December 29, 2005

Walastech 060 - muslim victims

Ang pambibiktima ng ating mga kapatid na Muslim Ni Relly Carpio

Assalaam alaikum. Ayon kay Optical Media Board Executive Director Attorney Marivic Benedicto ang ating mga mahihirap na kapatid na Muslim ay ginagamit at inaabuso ng mga masahol pa sa asoge na mga pirata ng DVDs/VCDs/CDs/MP3s. Kung napapansin ninyo ay marami sa mga nagbebenta ng mga pirated na media na ito ay mga Muslim. Hindi dahil sila ang mga namimirata, kundi dahil sila ang ginagamit para lamang ibenta ang mga ito. At isipin ninyo kung sino ang nakakawawa?

Mayroon mga nagsasabi na kung hindi sila papayagang magbenta ng mga pirated media ay babalik na lang sila sa Mindanao at sasali sa MILF o MNLF at lalabanan ang batas. Ang sagot ng Philippine Anti Piracy Team dito: Ganoon din, kasi ang ginagawa niyo dito ay labag din sa batas. Lumipat lang kayo ng lugar.

Nais ng lahat na matigil ang pangagancho na ito sa ating mga kapatid na Muslim. Madalas daw kasi ay may isang financier na siyang bumibili ng mga CD na ibebenta ng mga ito sa pamamagitan ng concessionaire, ibig sabihin ay ang kita ay sa dami ng benta.

Kapag sila ay na-raid, di lamang sila nawalan ng kita, nabaon pa sila sa utang. At sino ang nakinabang lang? Eh di ang financier. Ayon kay Atty. Benedicto ang mga nagpapasok ng mga pirated media ay ni hindi mga Muslim. Ito ay mga sindikato mula sa Malaysia o mga miyembro ng Triad na galing Hong Kong.

Dinadaan lamang sa mga financier na may mga kakilalang mga Muslim ang mga CD. Oo mga kapatid namin, niloloko lang kayo ng mga tinamaan ng kabuteng mga sindikato. Sa dulo ng linya ng pera, hindi ang mga kapatid ninyo sa Mindanao ang kumikita. Illegal na nga ang gawain ninyo ay niloloko pa kayo.

-0-0-0-0-0-0-0-

Sa yearly budget ng Optical Media Board na 24 million ay talagang mahirap nilang labanan ang talamak na operasyon ng mga timawang pirata. At dahil nga timawa ang mga ito, ay kanilang pinupuntirya ang mga mahihirap nating mga kababayan, Muslim man o hindi. Layon ng PATF na naghahanap ng livelihood project para sa mga kababayan nating niloloko lamang ng mga ito. O kaya ay minumungkahi niya sa mga nahuhuli na magbenta na lamang ng legal na kagamitan.

Kaalinsabay nito ay ang paggamit ng teknolohiya para malabanan ang mga pirata, pero ito ay nakasalalay sa mga manufacturers kaysa sa ating mga consumers o sellers. Ang paggawa ng mga encoded CDs na hindi maaring copyahin, mga CDs na mas matindi ang mga anti-piracy codes at protections. Pero ito ay tinatawag na vicious cycle dahil pabalik-balik lang tayo sa problema na ang ugat ay ang pagiging mahal ng teknolohiya at ng entertainment media na siya namang gustong gusto nating mga Pilipino. Bakit ko nga naman pagkakagastusan ng pagkalaki-laki ng aking kasiyahan kung makukuha ko ito ng mura diba?

Aminado na matagal pa ang laban, at lahat ay ginagawa ng mga manufacturers at ng mga gobyerno para makitil ang piracy. Makitil dahil hangga't may barat diyan o naghihirap o manggagancho ay hindi masusugpo ang pagpipirata.

Kaya sa huli kaibigan, ay nasa iyo iyan. Ikaw ba ay manloloko at magpapaloko pa rin? Ikaw ba ay magbubulag-bulagan na ang iyong ginagawa ay tama? Kahit na nakaw, basta makatipid diba? Kahit ano basta makaisa? Isipin mo anak mo, iyan ba ang gusto mong maging mundo niya pagpanaw mo? Isang mundo ng mga magnanakaw at mga manloloko?

-0-0-0-0-0-0-0-

Sa darating na Oktubre 30 (bukas?) ay ang tinatawag na Lailatul-Qadr o ang "gabi ng lakas" ng ating mga kapatid na Muslim. Pinaniniwalaang sa gabi na ito ay tinanggap ni Muhammad ang revelation ng Holy Quran at sabi sa Quran, ito ay kung kailan inaalam ni Allah ang kapupuntahan ng mundo sa susunod na taon.

Sana ay sa kanilang pagdadasal sa gabing ito ay malinawan ang isip ng ating mga kapatid na Muslim na ito rin ang kanilang gabi ng lakas. Na sa kanilang pansariling kakayahan ay mahanap nila ang lakas na hindian ang mga pirata, na ayawan ang mga financier, na ituro ang mga sindikato. Na baguhin ang kanilang kapalaran at ng kanilang pamilya para maging maganda ang kanilang buhay, kahit na sa isang taon man lamang. At sa kanilang magiting na halimbawa ay matuto at sumunod ang lahat ng iba, lalo na kaming mga Kristiyanong mamimili. Muli assalaam alaikum.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-060-

walastech 059 - OMB vs Piracy

Pirata Binawian ng 19.1M ni Edu Manzano Ni Relly Carpio

Pinagmalaki kahapon ni Chairman Edu Manzano ng Optical Media Board (OMB) sa isang presscon ang mga nagawa ng Philippine Anti Piracy Team (PAPT) kung saan siya ang spokesperson.

Ang PAPT ay binubuo ng OMB ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Philippine National Police (PNP). Ang kanilang kalaban ay ang software at media piracy. Ang PAPT ay ang siyang government initiative ni President Arroyo laban sa lahat ng klaseng pagpipirata na ang gamit ay ang mga CD. Katulong din ni PAPT ang Intellectual Property Coalition at ng Business Software Alliance.

Noong Sept. 16 ay natapos na ang amnesty period na binigay ng PAPT sa mga pirata at sa mga gumagamit ng pirated software. Mula noon ay umabot na sa halos 19.1 Milyong halaga ang nakumpiska na illegal software, mga pirated CDs (DVD/VCD/CD/MP3), at ang mga makinang ginagamit sa paggawa nito.

Sa tulong ng PNP Regional Special Action Unit ay ni-raid ang mga tindahan sa Shoppesville Plus sa San Juan, Orient Pearl sa Recto, Harrison Plaza sa Manila, Metro Walk sa Pasig at mga shop sa MRT Shaw Boulevard. Lampas 20,000 kopya ng mga pirated installer software, interactive games software, software applications at MP3s na nagkakahalaga ng dalawang milyon ang kanilang nasakote.

Kasabay nito ay ni-raid ng mga agents ng NBI IPR Division ang ilang mga kumpanya na gumagamit ng illegal software. Karamihan nito ay mga major Architecture at Construction firms na gumagamit ng mga illegal copy ng Autodesk na ang isang kopya ay umaabot ng PhP 250,000. Umabot ng 8.3 Milyon ang kanilang mga nasakoteng computers at servers sa mga ito.

Sa Cebu ay nagentrapment operation sila laban sa isang American national at ang kanyang Filipino assistant sa pagbebenta ng mga fake na software. Dito ay nakasakote naman sila ng 9 milyon halaga ng software.

Noong Agosto ay nakapagsara sila ng isang planta ng mga illegal CDs at DVDs na may tatlong makina na umaabot ng hanggang 50 libong CD ang naiimprenta sa isang araw. Ang planta na ito ay nagkakahalaga ng halos 3 milyong US Dollars kada isang makinang tumatakbo. Nagsampa na rin sila ng kaso laban sa dalawa pang mga planta para sa illegal importation of pressing machine at unlicensed production of movie products

Ang mga nahuhuling lumalabag sa Intellectual Property Code at ang Optical Media Act ay haharap sa pagkakakulong na aabot ng siyam na taon at multa na aabot ng 1.5 milyon.

-0-0-0-0-0-0-0-

Bago magtapos ang taon ay balak na ng PAPT na magsimula ng mga operasyon sa Visayas region. Balak din nila na magdeputize ng mga anti-piracy teams sa lahat ng provinces at lahat ng chartered cities bago matapos ang taon. Ang mga teams na ito ay bubuuin ng mga 12 hanggang 20 regional agents ng NBI. Ito ay magkakaroon ng time limitation at ng checks and balance para hindi magkaroon ng abuso.

-0-0-0-0-0-0-0-

Kada taon ay umaabot ng 9.8 bilyon ang nawawala sa mga industriya ng entertainment at ng Information and Communication Technology at 2 bilyon sa gobyerno dahil sa intellectual property piracy pa lamang. 49% nito ay sa mga DVDs nasa 43++% sa music (oo si Christian Bautista at si Kitchie Nadal pinipirata) at ang 1% ang sa computer/console games at ang natitirang porsiyento 7%++ ay software. Sa buong mundo 36% ng lahat ng software ay pirated at ito ay aabot ng USD29 bilyon sa nawawalang kita. Ang software piracy rate dito sa atin ay 71% na aabot sa PhP3.7 bilyon na losses.

-0-0-0-0-0-0-0-

Ito ang statement ng PAPT ayon kay Chairman Edu Manzano: We remain committed to our mandate to make the Philippines piracy-free. Piracy hinders our country's global competitiveness, and software piracy, in particular, inhibits the growth of the Information and Communications Technology sector and has posed grave threats to our national economy. Billions are lost because of piracy. These losses translate to thousands of lost jobs and investment opportunities. The taxes, which the government could have collected, could have been used to improve basic services such as health and education. The country would, therefore, stand to benefit a lot if piracy is reduced."

-0-0-0-0-0-0-0-

Ang masasabi lang ng TEAM WALASTECH sa mga miyembro ng PAPT ay mabuhay kayo! At sa inyong mga asogeng pirata: Beh! Buti nga! Tubuan sana kayo ng kulani sa kilikili.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-059-

December 26, 2005

walastech 058 - demograpiya sa teknolohiya

DEMOGRAPIYA NG TEKNOLOHIYA Ni Relly Carpio

Kung papaliitin natin ang populasyon ng Pilipinas sa sampung tao lamang, ito ang magiging anyo nila: Anim sa kanila ay babae, apat ay below 35 taong gulang, lima ay may cellphone, walo ang may TV, isa ang may landline sa bahay. Dalawa sa kanila ang marunong gumamit ng computer pero isa lang ang may computer at internet sa bahay. Pito ang marunong mag-ingles pero tatlo lang ang maayos ang pagsalita nito at nakakalungkot isipin na isa sa sumpu sa kanila ay hindi marunong magbasa. Isa ay mayaman na mayaman at tatlo ay walang sariling bahay, pito ang mahirap, at isa sa kanila ay nagtratrabaho sa ibang bansa.

Iyan ang tinatawag na demographics o pagkabaha-bahagi o balanghay ng ating bansa pagdating sa pagiging teknolohikal. Ito ang siyang masasabing magandang basehan ng kung nasaan na ang ating bansa. Ito ang nais baguhin ng Walastech, at ng marami sa mga tao sa media, ang gawing mas marunong ang aming mga kababayan sa dunong pagdating sa teknolohiya. Naway sa darating na mga taon, at kung ang ating mga pulitiko ay ititigil ang kanilang walang patutunguhang bangayan ay mabago ito. Kahit man lang mawala iyung isa sa sampu na hindi marunong magbasa.

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: Where can i apply call center. I'm Joshden am a computer science graduate, working as encoder in Unilever distributor in Gumaca. Thanks wishing for your response. Godbless. Joshden Gumaca

SAGOT: Maraming mga callcenters dito sa Manila, pero wala akong alam sa lugar mo sa Quezon. I guess dapat ay pumunta ka dito sa Manila muna. Ang mga major na call centers dito ay ang People Support, InfoNXX, e-Telecare, atbp. Tingnan din ang mga classified ads para sa mga job opening. Silipin ang aming partner, www.jobstreet.com para sa mga postings na iba.

TANONG: Good day po, I'm DEO18 from Alabang...1st yr. BSME course, I'm not fluent in english but magalang po me at mabait makipagusap...pwede po kaya ako magapply sa call center...at another thing may call center po ba na malapit dito sa Alabang...thanks po...and more power...

SAGOT: Pwedeng pwede kang mag-apply, di ko masisiguro na matatanggap ka, pero ano naman ang mawawala kung mag-apply ka diba? Tingnan mo sa Alabang Technopark sa Filinvest, Alabang marami po doon. Goodluck.

TANONG: Good PM, ano pong school ang nagooffer ng 6 months speech training at magkano po ang tuition fee? Please reply ASAP, Manuel.

SAGOT: May tatlo akong alam na nag-o-offer ng ganiyan: Ang Speechpower (email: info@speechpower.ph / Cubao Office: Joshua Bldg., 932 Aurora Blvd., Cubao, Quezon City. Tel. nos. 911-0832; 911-0833; 911-0834 Fax 911-0830) na medyo matagal na dito sa ating bansa, ang John Robert Powers (4/F Casmer Building 195 Salcedo Street, Makati City, Philippines Tel: (02)892 9511), at ang Toastmasters International (http://www.toastmasters.org/) na isang international club na binubuo ng madaming members at maraming mga chapter dito sa atin na maari mong malapitan. Tingnan niyo na lang sa internet o tawagan po sila sa kanilang rates at memberships.

TANONG: Ask ko lang po kahit po ba high school graduate po pwede sa call center kas po willing po me at interesado po ako.

SAGOT: Pwede po, ang mga call centers ay mga equal opportunity workplaces. Meaning bata o matanda, may ipin o wala, pwede! Tulad ng aking sinasabi ng madalas, ang importante ay may medyo marunong kang magingles, handang matuto, malakas ang loob, at masipag.

TANONG: Pwede kaya mag apply ang undergraduate ng HS bale pansamantala me punta ng CANADA kaya di na me intay graduation, nabasa ko sa WALASTECH. TY.

SAGOT: Dahil nagpunta ka ng Canada ay baka may mas malaki kang pagkakataon na makapasok ng callcenter, dahil kung tutuusin ay may alam ka na sa bansa na napuntahan mo. Maghanap ka ng call center na nagse-services sa Canada at doon ka mag-apply, baka maging alas mo ang iyung pagpunta noon sa Canada.

Pero malaking balakid ang hindi ka tapos ng High School, may program ang Dep Ed at CHED na binibigyan ng test ang mga hindi nakatapos ng High School para malaman kung pwede na silang bigyan ng diploma kahit na hindi pa sila tapos. Sa pamamagitan nito ay maari kang maging high-school graduate kahit hindi ka na pumasok sa iskwela para magtapos. Magtanong ka sa Dep Ed tungkol dito sa DepEd Complex, Meralco Ave., Pasig City Telephone Number: 632-1361 to 71

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-058-

December 19, 2005

walastech 057 - isang makatech na pilipinas

ISANG MAKATECH NA PILIPINAS Ni Relly G. Carpio

Malaking balakid sa isang bansa ang hindi maging technologically challenged, o iyung hindi makaintindi ng teknolohiya. Isipin niyo na lang kung anong klaseng pagunlad ang naidulot sa inyong mga buhay sa pamamagitan lang ng pagkakaroon ng isang matinong cellphone network sa ating bansa? Naalala niyo pa ba ang buhay na walang cellphone? Hmmm? Hirap ano? Ang teknolohiya, ang dunong, ang siyensiya at ang pagiging makadios ang siyang tamang daan para sa maging maunlad na bayan. Iyan ang nais namin, ang lahat ng Pilipino ay maging Walastech!

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: Activated na ang MMS at GPRS ko at nakakapagopen ako ng mga bagong dating na MMS. Pagkaraan ng one month di na ako makapagsend at maopen ang MMS ko. Sony Ericsson T290i ang model.

SAGOT: Kung dati ay nakakatanggap na kayo ay baka po may nagalaw lamang sa settings ng inyong MMS. Dalin niyo po uli sa inyong network provider customer service o sa manufacturer service center para mapa-setup muli.

TANONG: Ano gagawin sa cell ko kasi po nasira po yata ung radio niya. Magagawa pa po ba siya? 6220 po unit ko. Salamat po ng madami.

SAGOT: Magagawa po iyan, dalin niyo lang po sa inyong trusted technician o mas maganda sa authorized service center dahil siguradong kakailanganing may palitan na piyesa diyan kung talagang nasira na iyung radyo imbis na may maluwag. Pero nais ko pong ulitin, mas maganda po na huwag gamitin ang inyong cellphone bilang radyo, hindi dahil nakakasira ito, ngunit imbis na tumagal ang battery para makatanggap kayo ng text at tawag ay mauubos agad ito dahil sa pakikinig ng tugtog lamang. Kung gusto ninyong may pinapakinggang radyo ay bumili na lang kayo ng isang maliit na transistor radyo at iyon ang gamitin.

TANONG: Pwede po ba ipa-block yung SIM card ko na globe and smart? Kinuha po kasi yun ng kabarkada ko. Paano po ba magpablock ng SIM. Thanks po.

SAGOT: Okay masyadong matrabaho ang magpablock ng SIM kasi andami mong kailangan. Mas madali at mas mura na bumili ka na lang ng bagong SIM. Ngayon, kung naka-postpaid line ka at ninakaw ng kabarkada mo ito aba'y dapat mong tawagan kaagad ang iyong network provider (Globe, Smart, Sun) at ipadeactivate iyung SIM na iyon at ng ma-isyuhan ka ng bagong SIM. Kung gamitin niya iyon at ikaw ang pabayadin diba?

Pero sa mura ng SIM ngayon, ano kung nakawin niya SIM mo? Kumuha ka ng bago at ipaalam na lang sa mga kakilala ang bagong number. Kasi kung papablock mo pa eh kailangan mo pa ng police report, affidavit of loss, recite of purchase, etcetera! Etcetera!

TANONG: Nine hours ko na charge ang cell ko ngayon ayaw niya na mag on. Ano po ba ang may sira yung phone o battery? Maayus pa po ba ito?

SAGOT: Kahit alin po ang may problema diyan. Pwede ho na ang inyong battery ay diskargado na. Anim na buwan lang po kasi ang effective life ng rechargable battery, makatapos po ng diretsong anim na buwan na gamit ay dahan dahan na pong hihina ang kakayanan nitong magdala ng kuryente. Pwede rin po na sira ang charging connection ng inyong cellphone kaya po hindi niya nacha-charge ang battery.

Normal po na ang initial charging ng bagong battery ay umaabot ng 9 hanggang 15 oras. Pagkatapos noon ay mula isang oras hanggang tatlo ang recharging. Depende po kasi iyan sa capacity ng battery at ng strength ng charger.

Maganda po siguro na testingin ninyo gamit ang ibang battery ang inyong cellphone kung ano ang mangyayari, kung ganoon pa rin ay patingnan niyo na po ang inyong cell sa trusted technician o sa authorized service center.

-0-0-0-0-0-0-0-

The UP Information Technology Training Center (UP ITTC) and the Virtual Center for Technology Innovation in Information Technology (VCTI-IT) will conduct a series of IT Short Courses at the CSRC Building, UP Diliman, Quezon City this October and November. The trainings aim to upgrade the skills of government, academe, and industry IT personnel.

Follows are the short courses, their schedules, and fees:

Java Programming / October 22, 29, November 5, 12, 19 / Saturdays; 8am to 5pm / Php 7,000

Introduction to Visual Basic .NET / October 22, 29, November 5 / Saturdays; 8am to 5pm / Php 4,000

ASP .NET Programming Using Visual Basic .NET / November 12, 19, 26 Saturdays; 8am to 5pm / Php 4,000

Basic Web Development / November 6, 13, 20, 27 / Sundays; 8am to 5pm / Php 5,500

PHP & MySQL / November 6, 13, 20, 27, December 4 / Sundays; 8am to 5pm / Php 7,000

Course outlines and registration forms are available at http://ittc.up.edu.ph Filled-out registration forms may be sent via fax to (02) 920-2036. Participants are required to take an aptitude exam prior to enrollment. A 10% discount is awarded to government personnel and members of the academe.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-057-

walastech 056 - DICTION VS ACCENT SA CALL CENTER

DICTION VS ACCENT SA CALL CENTER Ni Relly Carpio

Sumulat sa amin si Mr. Larry tungkol sa kaniyang problema sa pagpasok sa call centers:

Ako po si Mr. Larry ng Sta. Mesa Manila, 25 years of age at graduate po ako ng BS Computer Science sa St. Jude College Manila last 2003. Nag email po ako sa inyo dahil po sa nabasa kung segment ninyo sa isang newspaper dated Sept. 03, 2005 regarding po sa "ang tawag ng mga call centers.." tanung ko lang po bakit po sa segment ninyo para bang napakadali lang mag apply sa isang call center company as long na masipag ka, handang ibigay ang oras para matuto at magalang, pero bakit po sa case ko masipag naman po ako magalang, willing matuto at handa kong ibigay ang buong oras ko sa isang call center company na ina-applayan ko pero bakit po hindi naman nila ako binibigyan ng pagkakataon na makapasok at masubok kung hanggang saan ang kaya kung gawin.

Marami rami na rin yung mga ina-applayan kung call centers at tahasan ko pong sasabihin na hindi po totoo yung sinulat nyo sa segment ninyo about sa qualifications na sinasabi nyo para matanggap ang isang aplikante sa isang call center co. required po talaga sa isang aplikante na EXCELLENT pagdating sa communication skills. at hindi lang basta marunong kang mag-english dapat may DICTION o di kaya'y ACCENT ng isang american or european person. Ganun po kahirap ang mag aapply based on my experienced... Tanung ko na rin po matutulungan nyo po ba ako na makahanap ng isang call center na gaya ng sinasabi nyo na ang mga qualification ay masipag, magalang, willing matuto at handang ibigay ang oras ng isang aplikante? Kung mayroon po pwede po bang tulungan nyo po ako? Aasahan ko po ang inyong sagot. salamat po! at mabuhay kayo!

SAGOT: Kung tutuusin Larry ay dahil sa iyong karanasan, ikaw dapat ang magsabi sa akin kung alin sa mga call centers ang siyang mahirap pasukin diba? Nang mapaalam naman natin sa ating mga kababayan. Ikaw na rin ang nagsabi na matapos lahat ng tiyaga at hirap na dinanas mo ay hindi ka pa rin natanggap. Nakakalungkot isipin na nasayang lahat ng iyong pagpupursige. Naiintindihan ko ang iyong yamot na hindi ka nakakapasok sa isang call center.

Pero masasabi ko sa iyo na nagtataka ako sa sinabi mo, tahasan mong sinabing hindi totoo ang sinabi ko ngunit biglang bwelta ka na humihingi sa akin ng tulong na makahanap ng trabaho? Nakakalito ka. Ano ba talaga kuya?

-0-0-0-0-0-0-0-

Marami ang umaangal na kesyo ang hirap daw makapasok sa call center, pero sa kada isang nagsasabi sa akin na mahirap ay may nagsasabi din na nung nakalusot naman sila ay agarang gumanda ang buhay nila, at kahit mahirap ang trabaho dahil walang tigil ka sa pagsalita ay okay naman dahil mas madali nga naman ang magsalita kaysa sa magbuhat ng bato o magbanat ng buto.

Ang sinasabi ni Mr. Larry na ang kailangan ay EXCELLENT ang iyong communication skills ay tama. Pero ang sinabi niya na kailangan ay may DICTION ka o ACCENT ay mali. Kasi hindi po lahat ng markets para sa contact center ay nangangailangan ng diction o accent. Ang diction ay ang tamang pagbigkas ng isang salita. Halimbawa: pala (panghukay) pala (dahilan). Ang accent naman ay iyung punto. Oo, hindi lang ang mga Bisaya, Batangueno, at CaviteƱo ang may punto. Sa contact center kasi, tulad sa totoong buhay, ay kailangang tama ang iyong pagbigkas at marunong kang magtanggal ng punto, kung hindi ay papalpak ang iyong communication skills o galing sa pakikipagtalastasan.

Ang isa sa mga markets na may kailangan ng diction training ay ang Britsh Isles. Pero ang Europe at America ay minimal lang ang kailangan na diction training pero ang accent training ay matindi sa parehong iyan, lalo na sa British Isles. Ngunit, kung iisipin mo na ang kailangan para matanggap ka ay diction at accent lang ay talo ka na. Kasi ang kabaligtaran naman ay totoo para sa mga ibang markets. Paano iyong Spanish market at iyung French market na sineserbisyuhan ng mga contact centers dito? Doon ay halos walang accent, diction lang ang kailangan. Diba?

Ang pinakaimportante ay ang iyong COMMUNICATION SKILLS na siyang talagang kailangang excellent. Iyon kasi ang binebenta ng mga contact centers eh, ang galing ng pakikipagusap ng mga tao nila. Kung sablay ka doon ay wala ka na. Napansin ko sa sulat mo na magaling ka namang makipag-usap, dalisay ang iyong tagalog at wala kang takot na makipag-usap. Maganda iyan, siguro Mr. Larry ay tulad ng ating bayan ay kailangan mo lang ng kaunti pang tiyaga at kaunti pang pasensiya at makakamit mo rin ang iyong minimithing katiwasayan. Mabuhay ka din, masipag na kababayan. Goodluck sa iyo.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-056-

December 11, 2005

walastech 055 - Q&A 002

MGA KASAGUTAN SA KATANUNGAN Ni Relly G. Carpio

Dumadami na po ang mga tanong na naite-text sa amin kaya po sasagutin po muna namin ang karamihan sa kanila sa mga susunod na issue. Salamat po sa masugid ninyong pagsubaybay aming mga mambabasa. Mabuhay po kayo!

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: Magtatanong lang po pwede po bang malaman ngayon kung anong gagawin? BIRD po iyung cellphone ko 8199. Gusto ko pong magtext o humingi ng ringtone anong gagawin ko please textback. Art Pang

SAGOT: Basahin mo manual ng cellphone mo. Ingat ka sa pagkuha ng mga ringtone dahil hindi ko sigurado kung supportado na ang phone mo ng mga content providers, baka mabawasan ka lang ng load ng sa wala. Hindi na po kami nagte-text back ng mga sagot dahil po mamumulubi kami sa dami ng mga texters. Pasensiya na po.

TANONG: Paano po ba malalaman ang lokasyon ng isang nagtetext? May paraan po ba na malalaman ito? May gadget po ba na maaring ikabit sa cellphone? from ALO

SAGOT: Pwede po. Ang tawag po diyan ay location services at ito po ay available na sa mga network providers dito sa atin. Kaso po ay ito ay nangangailangan na ang naghahanap ay magrequest at ang hinahanap ay pumayag. Ang pulis lang po ang maaring gumamit ng location service sa pamamagitan ng court order para maghanap ng tao ng hindi niya alam.

Ang gamit po na teknolohiya dito ay ang triangulation o ang paggamit ng tatsulok. Gamit po ang tatlong cellsite na nagsasabi kung gaanong kalakas ang signal ng cellphone kumpara sa kanila ay matatanto po ng sistema kung nasaan ang cellphone. Pero hindi po ito napakasakto na hanggang saan ka nakatayo ay malalaman. Kaya kahit pumayag ang iyong texter ay halos balewala din kung ang habol mo ay makita siya. Ang pinakamalaking gamit po talaga nito ay para sa kalakalan: ang masiguro na nasa sinabing lugar ang gumagamit ng cellphone at ang kargamiento nitong dala.

TANONG: Good PM, nasa magkano po ba ang halaga ng mainboard ng Nokia 3210 at meron po ba second hand nabibili nito? Ayoko po bumili ng bago kasi wala po akong pambili ng bago. Gumagana pa itong cellphone kaya lang mahina ang signal kasi may kaunting short sa mainboard. Magkano kaya mabibili ito?

SAGOT: Mag-ipon ka na at bumili ng bago, hindi dahil minamasama ko ang Nokia 3210, dahil isa ito sa mga mas matitibay na cellphone na gawa ng Nokia, pero kung ang mainboard na ang sira ay mas magandang bumili ka na ng bago. Kahit na 3210 uli bilhin mo, basta bago. Kasi ang pagrepair ng mainboard ay ang simula lang ng sunod-sunod na pagpapaayos dahil damay-damay na iyan sigurado.

TANONG: Good PM ho. Asked ko lang ho, bakit ang cell ko na Sony Ericsson T230 kusang namamatay at nabubuhay at di ako makatext o maka call at isa pa kahit bagong charge pag pinindot na, nalo-lowbatt kaagad, bago naman batt ko. Tnx! Ding.

SAGOT: Baka may sira po ang battery connector ng inyong unit. Kung luma po kasi ang batt ninyo ay sasabihin ko na iyon ang may problema, pero dahil sabi niyo nga ay bago, malaki ang pagkakataon na may tama ang power connectors ng phone mismo. Maari din na nagshort ang battery ninyo at nagluluko. Dalhin ninyo sa inyong trusted technician o sa authorized repair center.

TANONG: Recommend ka naman ng cellphone technician sa may Quiapo na pwedeng pagkatiwalaan.

SAGOT: Wala akong kakilalang technician sa Quiapo pero may kakilala akong technician na part ng TEAM WALASTECH. Si Papa Doie! Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa cellphone repairs o naghahanap ng cellphone idulong niyo lang sa amin.

TANONG: Hi Good PM. Im Janice 25 years old. I want to be a part of ICT. I've worked in a call center before. May I know what qualifications does your company seek?

SAGOT: Di po kami naghahanap ng tao. Salamat po sa inyong text.

-0-0-0-0-0-0-0-

Sinimulan kamakailan ng De La Salle University College of Computer Studies sa pakikipagtulungan ng MMOG Philippines ang 2nd Annual MobiGame Competition 2005.

Imbitadong sumali ang lahat ng universities at colleges sa kumpetisyon na ito kung saan ang mga kalahok ay kailangang gumawa ng bagong game sa cellphone. Nais nitong ipagpitagan ang galing ng Pilipino sa programming at creativity.

Ito ay sponsored ng Microwarehouse, Z-Zone (Skyblade), ABS-CBN Tantra, Level-Up Rose Online, Globe WorldPass Internet, Inkstore, at GXS. To learn more about the 2nd Annual Mobile Game Competition visit www.mmog.com.ph/mobigame2005 or contact Marc Sy at marc@mmog.com.ph or contact MMOG Philippines at 400-6077.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-055-

walastech 054 - sinaunang network

walastech 054 Sinaunang Network Ni Relly Carpio

Mga 2500 taon na ang nakakalipas ay si Cyrus the great, ang unang Achaemenian Emperador ng Persia, ang siyang namumuno. Ang Persia ay Iran ngayon, pero ang lawak niya ay umabot mula India hanggang sa Mediterranean. Ang Persian Empire ay tumagal ng halos 250 taon. Ang nakakamangha sa Persian Empire at si Cyrus ay siya ang unang gumawa ng matatawag na cellular network.

Cellphone? Hindi, cellular lang. Tinanto kasi ni Emperador Cyrus kung gaano kalayo ang matatakbo ng isang kabayo sa isang araw, at naglagay siya ng istasyon sa kada haba nito. Kaya madali siyang nakapagpapadala ng sulat at nakatatanggap ng balita kahit na mula sa kaduluduluhan ng kaniyang nasasakupan. Iyon nga lang, hindi tulad ng cellphone eh buwan ang inaabot imbis na isang iglap. Ano magagawa niya, lampas 13,000 libong kilometro ang laki ng kaniyang nasakupan.

Ganyan din ang ginagawa ng mga cellular network providers ngayon. Gamit ang mga cellsite ay kanilang sinusukat ang hangganan ng kanilang mapapagpadalan ng signal at pinagdidikit dikit sila para magamit natin. Kada text, kada tawag ay impormasyon na pinagpapasapasahan ng kanilang mga kabayo hanggang sa mahanap ang inyong kaututang-dila.

Kilala rin si Cyrus bilang ang kaunanahang gumawa ng declaration of Human Rights na naging basehan ng ginawa at ginagamit magapasahang gang ngayon ng United Nations.

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: Good PM! Naiwan ko po yung cellphone ko sa taxi pero di ko nakuha ang plate number niya, gusto ko po mabawi ang cellphone ko pero papaano? Thanks BF ParaƱaque.

SAGOT: Ang opisyal na sagot ay: Tumawag sa inyong Network Provider at magpatulong. Kakailanganin ninyo ang tatlong bagay: ang IMEI number ng inyong cell, ang resibo ng pagbili ninyo ng cellphone at isang affidavit of loss na ginawa sa loob ng tatlong araw ng pagkawala ng cellphone. Kailangan ng isang police report para makagawa ng affidavit of loss from theft. Dadalhin ninyo ito sa NTC at sila na ang magproprocess ng pag-block ng cellphone mula sa network.

Kung napansin ninyo ay ni minsan hindi ko sinabi na mababawi niyo ang cellphone ninyo. Iyan ang katotohanan. Maliban na lang kung makonsensiya ang drayber o ang nakakita, o kaya ay mahuli ang nagnakaw ng cellphone bago niya ito naipasa, sorry ka na lang. Just keeping it real.

TANONG: Good AM sir! My cellphone I've been use is 1 year from now. But I observe many text are not shown to notify it. What wrong it is? Can you give me some tips to handle this?

SAGOT: Ano sabi mo? Hindi ko maintindihan ang tanong mo. Ang tip ko sa iyo, kung nagaaral ka pa, makinig ka sa English teacher mo, at kung hindi, magabasa ka ng mga English na libro ok?

Ngayon hulaan ko ang tanong mo ha: Isang taon na ang cellphone mo at maraming text ang hindi mo na nakikita o natatanggap kahit na pinadalhan ka? Ang solusyon eh magpalit ka ng message center number na makikita sa settings ng iyong messages menu. Tumawag sa inyong network provider para humingi ng bagong message center number.

Kahit hindi aaminin ng mga network provider na nagkakaproblema sa mga message centers nila, ay walang perpekto sa mundong ito. Sa dami ng mga SMS messages na umiikot sa ating mga ulunan ay magkakaroon talaga ng aberya. Sa pagpapalit ng ibang message center number ay nagbabakasakali ka na mas maluwag iyung gagamitin mo at mas mabilis na makakahimpapawid ang iyong mga text.

TANONG: Magagawa pa kaya yung pinadala sa akin ng sis ko na US Model SGH - 426 dual bang lang nakaprogram sa AT&T Wireless? Sabi nila magagawa daw pero walang signal.

SAGOT: Actually SGH-x426 ang model niyan. Walang signal kung sa AT&T ang hahanapin pa din ng telepono dahil wala namang AT&T Wireless signal dito.

Para sigurado, tawagan mo sila mismo o kaya ay bisitahin mo: Ang hotline ng kanilang Customer Contact Center ay 1800-10-SAMSUNG (1-800-7267864) para sa PLDT lines o 1800-3-SAMSUNG (1800-3-7267864) para sa Digitel lines. Tumawag mula kahit anong araw mula 8:30AM hanggang 8:30PM.

Kung gusto mong bisitahin ang kanilang Samsung Service Plaza, ito ay bukas Monday - Friday : 8.30AM ~ 5.30PM at pag Saturday: 8.30AM ~ 12.30PM. Sarado sila pag public holiday at Linggo. Ito ay matatagpuan sa Basement 1, Bonaventure Plaza Building Ortigas Avenue, Greenhills, San Juan, Metro Manila.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-054-

November 29, 2005

walastech 053 - COMPUTERS PARA SA LAHAT

COMPUTERS PARA SA LAHAT Ni Relly Carpio

May computer na ba kayo sa bahay? May Internet na ba kayo? Marunong ba na magcomputer ang mga anak ninyo? Hindi pa? Panahon nang matuto! Ang mapagiwanan ng panahon, lalo na ngayong halos araw-araw ay may bagong dunong na nadidiskubre ay walang dudulot na mabuti sa inyo.

Kung hindi niyo kayang matuto ay huwag niyo namang pagkaitan ang inyong mga anak, dahil iyon na lang ang maari ninyong ipamana sa kanila na hindi maaring mawala sa kanila, at iyan ay ang edukasyon. At kahit ano sabihin ng sinoman, ang karunungan ng mundo ay nasa internet, at para ito makita ay kailangan ng computer.

Kung namamahalan kayo sa mga presyo ay tandaan ito: hindi niyo kailangan ng malakas na computer, ang kailangan niyo lang ay isang computer na maayos na gumagana at magagamit. Magtanong sa bilihan tungkol sa mga People's PC na subsidized ng pamahalaan ang presyo.

-0-0-0-0-0-0-0-

Sa mga naghahanap ng mura na malakas na computer para sa kanilang business o trabaho: Makatapos binili ng Chinese company Lenovo ang Personal Computing Division ng IBM ilang buwan ang nakakaraan ay naglabas na sila ng kanilang sariling mga version ng ThinkCentre at ng sikat na ThinkPad. Tulad ng inaasahan ay mas mura ang mga bagong produkto na kanilang nilabas, swak na swak sa budget ng mga small and medium businesses na naghahanap ng reliable na desktop computer o laptop.

Kilala ang tatak na Think sa mga computer mula pa ng ito ay gamit ng IBM. Ngayong Lenovo na ang may gamit nito magiging mas kilala ang mga Think computers at services dahil sa mas affrordable na ito kumpara noon.

Ang ThinkCentre E50 ang kanilang bagong desktop computer na murang mura lang pero kayang kaya ang mga pangangailangan ng mga small and medium businesses na siyang naguusbungan dito sa atin.

Samantala ang unang mga widescreen format laptops ng ThinkPad series, ang 14 inch ThinkPad Z60t at ang 15.4 inch ThinkPad Z60m ay available na rin mula sa Lenovo. Ito ang mga kauna-unahang wide screen laptops na ThinkPad. Ito ay nakatuon sa mga mamimiling tinatawag nilang ProSumer o Professional Consumer, mga mamimili na alam kung ano ang gusto nila sa isang laptop pero marunong magbudget.

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: Hello! Ask ko lang po kung ano sira ng cellphone ko. Nagkoconnect service siya, then pinagawa ko ok na! Now ang sira naman always nag-off. Nakakainis nga eh! Thanks! God Bless!

SAGOT: Siguro lang, dahil nagkaproblema siya sa connection service ng kaunting panahon ay naapektuhan na ang inyong battery. Maganda siguro na papalitan na ninyo ang battery ng cellphone. Malakas kasing makaubos ng battery ang pagpatay-sindi ng cellphone. Pati na rin ang paghanap ng signal. Maari rin na nagkatama ang power connectors ng battery at ng cellphone. Madalas kasi naman na kapag naasar tayo sa isang sirang cellphone ay ito'y ating kinakatok, baka hindi ninyo sinasadya ay nakatok ito ng medyo tama at naapektuhan ang battery connectors.

TANONG: Sir good PM. Ask ko lang sir kung pwedeng pakabitan ng internet ang computer ng walang telepono? Kung pwede anong gagamitin namin? Thanks. Waiting for your reply.

SAGOT: Apat na klase lang ang paraan ng pagkabit sa internet. Ito ang dial-up gamit ang linya ng telepono, ang DSL na gamit ay cable lang ng inyong telepono, ang Cable na gamit ang cable ng inyong Cable TV at ang WiFi connection na padating pa lang na teknolohiya. Mayroon ding tinatawag na T1 na gumagamit ng dedicated line na cable mula sa internet service provider, pero mga corporasyon lang ang gumagamit noon. So pwedeng magpakabit ng internet kahit wala kayong telepono, kung may Cable TV kayo at ito ay nag-o-offer ng Cable Internet.

TANONG: Good PM nakakasira ho ba ng battery ang laging paglalaro ng games sa cellphone? Apektado rin ho ba ang mga pagpindot ng numbers o letters kasi ho nagtitinda me ng SMART Load. Maraming salamat and more power. You're a big help. God Bless from Crising of Las PiƱas.

SAGOT: Ang battery ng isang cellphone kapag inyong sinimulang gamitin na ay dahan-dahang nabubulok. Humihina ng humihina ang kapasidad nitong magtabi ng kuryente hanggang sa hindi na niya makayang magbigay ng kuryente sa kanyang kinakabitan. Ang pagkahina na ito ay nagsisimula mula anim na buwan makatapos unang gamitin ang battery. Hindi naman nakakasira ng direkta sa battery ng callphone ang kahit na anong pagpipindot o paglalaro. Pero dahil sa madalas na gamit at madalas na pagcharge at discharge ay mas mabilis masisira ang battery kung ikukumpara kung hindi ninyo gagamitin ng ganoon.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-053-

November 23, 2005

walastech 052 - basahin ang manual

walastech 052 - basahin ang manual Ni Relly Carpio

Alam niyo ba ang lahat ng nagagawa ng inyong cellphone? Binasa niyo na ba ang manual ng inyong gadget? Dapat ugaliin na bago gamitin ang kahit na anong gadget ay inyong basahin muna ang manual, o kaya ay makatapos i-test ay gawin ito agad. Nakakatawang isipin na marami sa mga problema sa gadgets ay mabilis na naayos sa pamamagitan lamang ng pagbasa ng manual. Andiyan po kasi lahat ng kaalaman kung paano tamang gamitin ang gadget para hindi magkaroon ng aberya o ng mga problema.

Sa dulo ng mga bagong manual ay may dalawang kabanata na inyong dapat pagtuunan. Ito ang Index at ang Troubleshooting. Sa Index inyong makikita ang alpabetikong pagkakalista ng mga parts at functions ng inyong gadget at ang pahina kung saan makikita ang tungkol dito. Kaya kung mayroong kayong pinoproblema sa inyong gadget ay hanapin niyo lang dito iyung pangalan niya at naandun na kung saang pahina iyung maaring solusyon o explanasyon.

Sa Troubleshooting naman ay may step-by-step o sunod-sunod na instructions kung paano mo maayos ang mga madalas na problema sa inyong gadget para hindi na kayo kailangang gumastos sa technician. Marami na akong narinig na istorya ng mga tao na dahil sa taranta na sira ang kanilang TV dahil ayaw mag-on ay tumawag ng technician upang malaman lamang na nahugot pala ito sa pagkakasaksak sa kuryente. Ngek!

Diba? Ang tanga. Eh kung tiningnan niya iyung Troubleshooting nakita niya sana sa ilalim ng "Won't Turn ON" ang unang katanungan ay "Is unit plugged?" Di hindi sana siya napahiya. Kaya ang pagbabasa ng manual ay dapat maging isang ugali ng sinumang nais ding maging WALASTECH!

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: Itatanong ko lang po kung bakit pag nasa phonebook po ako saka gusto ko mag-miss call, ayaw po, saka sa taas po may parang papel, di kaya po yun ang dahilan kung bakit di po ako makapagmiss call? Paano po ba alisin yun? Thank you po sa PM.

SAGOT: Madalas po iyung papel na nasa itaas ng main screen ang ibig sabihin ay puno na ang inyong tinatawag na message inbox, lalo na kung ito ay patay-sindi. Ibig sabihin ay puno na ng text messages ang inyong SIM at cell phone. Para mawala po ito ay magbura kayo ng messages. Pwede rin po na may text kayo na natanggap na hindi ninyo pa nababasa kaya andoon pa rin iyung envelope na iyon bilang paalaala. Wala pong kinalaman ang pagkapuno ng message inbox sa inyong hindi pagtawag. Iyung sa phonebook naman po ay baka po mali iyung number na nasa phonebook kaya hindi makatawag o kaya naman ay wala na po kayong load kaya hindi kayo makapag-miss call. Dapat po ay nakakatawag kayo direkta mula sa phonebook, dahil iyon po ang gamit noon.

Nasagi na rin natin ang miss call, nais ko pong ipaalam sa inyo na hindi na po maari iyung gawain dati na daanin sa puro drop call ang pakikipagusap sa cellphone. Maliban po sa nakakayamot ang paulit-ulit na putol ng pag-uusap ay nakakasira ang drop calling/miss calling ng cell phone kaya dapat ito itigil ay inayos na po ng mga network providers ang system para ma-detect ang mga nagmi-miss call conversation at sila ay kinakaltasan pa rin kapagdaka.

TANONG: Bakit po kaya ganoon ang network provider ko? Kinakaltasan me ng 2.50 load kada text nila kahit di ako nagrereply, maawa naman sila sa katulad kong maliit lang kung magload. Paano kaya sila mapipigil?

TANONG: Bird ang CP ko. Lagi may pumapasok na mga message alert tone at bawas ito ng 15 kada pasok. Di ko alam paano gawin ko. Lagi kasi ubos load ko dahil diyan. Dito na lang ang sagot, Ty.

SAGOT: Mag reply lang po kayo ng STOP sa number na nagte-text sa inyo, halimbawa nag text sa inyo ang 1234 ng ABC update, sumagot po kayo ng ABC STOP at ipadala pabalik sa 1234. Kung ayaw ay subukan ang OFF imbis na STOP. Hindi po kasalanan ng network provider kung nagkakaroon ng problema pagdating sa mga Value Added Services, minsan lang po kasi ay hindi natin napapansin ay napapasubscribe tayo. Basahin po ng maigi ang lahat ng text na inyong nakukuha mula sa mga content providers bago sumagot, baka nadadala lang kayo ng excitement di niyo alam kung ano na pala ang inyong na subscriban.

Wala rin pong kinalaman kung anong model ng inyong cellphone kung bakit kayo nakakakuha ng mga Value Added Service messages.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-052-

November 17, 2005

walastech 051 - comddap expo

WALASTECH 051 - COMDDAP EXPO Ni Relly Carpio

Sa mga mahihilig sa mga bagay-bagay na technology at computers diyan, nagbukas na po noong Huwebes ang COMDDAP EXPO 2005 sa COMDDAP Tent sa tapat ng PriceSmart sa The Fort, Taguig. Bukas po ito mula 10 AM hanggang 7PM at hanggang October 9 po ito.

Ang Computer Manufacturers, Distributors and Dealers Association of the Philippines o COMDDAP ang host ng EXPO na ito sa tulong ng Taguig City Government led by Tech Savvy Mayor Freddie Tinga. Marami pong mga exhibitor dito at kung naghahanap kayo ng karunungan sa computers at ng mga affordable computer parts, dito po kayo dapat pumunta. Marami rin pong mga fun events araw-araw. Libre po ang admission, at madami po ang parking din para sa may mga sasakyan. May complimentary shuttle din na ang pick-up at drop-off point ay sa Ayala Center parking lot, malapit sa Park Square 1, Pasay Road (sa tabi ng Rapide's Service Center).

May arawang raffle ng mga gadget, mga pacontest, maraming mga nakaexhibit na products at mga hindi matatawarang mga discount at mga naka-sale. Noong nakaraang taon ay umabot hanggang 40,000 ang mga taong umattend. Don't miss it!

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: Good PM po tanong ko lang po paano po ba mapapatigil ang SMART sa pagpapadala sa akin ng logo at ringtone kasi kahit di po ko magdownload nagpapadala pa rin. Thanks po.

SAGOT: Marami po an nagtetext po sa akin ng problema na ito. At sinabi ko na rin sa SMART ang concern ng marami sa kanilang mga subscribers. Ito po ang kasagutan nila:

1. If he is referring to Smart/CP SMS updates on promos, VAS, events and the like, all he has to do is text STOP ALERT to 211. this is actually in compliance with NTC Memorandum Circular No. 03-03-2005 re: Rules and Regulations on Broadcast Messaging.

2. If subscriber wants to unsubscribe from a VAS that he has subscribed to, he should text STOP to the access number of the service he is subscribed to. Hope these helps.

Okay, example kung gusto ninyong matigil lahat ng free updates na pinapadala ng SMART sa inyo, i text nyo lang ang STOP ALERT at ipadala sa 211. Kung may nasubscriban kayo, intayin ninyong magpadala sila sa inyo, o kaya ay iyung dati nilang ipinadala at mag reply dito sa number na ito i text niyo ang STOP at ipadala sa number na iyon. Pwede niyo ring i-try ang ipadala ang sender name at dagdagan ng OFF at iyon ang i-reply sa number (hal. nagpadala sa iyo ang UAAP ng pictures, mag reply dito ng UAAP OFF at ipadala sa number nila).

TANONG: Good PM po, ask ko lang po kung bakit yung LCD ng NOKIA 7250i ko parang may ulan siya? Saka bakit karamihan po nakikita kong colored NOKIA cell ganun LCD? May problema po ba LCD or natural lang sa NOKIA iyun? Salamat po. Karamihan po kasi ng nakikita kong NOKIA colored may ulan po yung LCD nila, usually yun maliliit yung LCD na unit kahit 6230. Natural lang po ba yun? Kahit po nung bago pa yun dati ko unit na 6610 may ulan po din. Thanks.

SAGOT: Di kaya malabo mata mo? Joke! Bweno, kasi madaming klase ang mga Liquid Crystal Display o LCD, nagsimula iyan dati sa napakalabo na 256 colors lang na LCD (meron nga dati 16 colors lang eh, isipin niyo kung gaanong kakaunti iyon!) Ang pinakamagandang LCD na maari mong makuha ngayon ay iyung tinatawag na Bright TFT-LCD. Iyung mga high-end na cellphones lang ang iyong mayroon nito, kaya kung medyo pipitsugin ang cellphone mo ay huwag ka ng umasa na ganito ang cell mo. Malaki tsansa ay iyung nasa mga thousands of colors lang ang sa iyo o milyons of colors.

Malaki kasing pampataas ng presyo ng cellphone ang pagkakaroon ng colored LCD. kaya madalas para maging affordable ang isang cellphone ay mababang klase o iyung regular na klase na LCD lamang ang sinasama sa isang unit. Madalas din ay iyung salamin ng mga housing ay gawa sa plastic na kapag nasinagan ng LCD ay nagmumukhang maulan ito, kung iyung magandang klaseng salamin kasi ang gamit ng cellphone housing ay magtataas uli ang presyo nito. Pero dahil nga pangit ang clear plastic window ng housing ay naapektuhan ang dating ng LCD screen. Kasi naman, ano naman ang hanap mo sa 50 pesos na housing?

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-051-

November 15, 2005

WALASTECH 050 - PERA SA GAMING

PERA SA GAMING Ni Relly Carpio

Ayon sa isang report ng Associated Press ay dumadami na ang mga collegio sa Estados Unidos na nagbukas ng kurso para sa mga trabaho na para sa computer gaming. Oo, computer gaming. Ewan ko kung alam niyo na pero nasa 10 bilyon US dollars noong 2003 pa ang laki ng computer gaming industry. Ngayon, isipin niyo kung gaanong kadaming tao ang kailangan ng isang industriya na masasabing mas malaki pa sa movie industry ng US.

Iyan ang isa pang maaring pagkakitaan sa darating na panahon ng mga Pilipino, kasi nga isang malaking source ng cheap labor sa larangan ng Information and Communications Technology ay ang Pinas. Kung tutuusin lahat naman ng klaseng quality labor eh mura dito sa atin eh. Pero dahil nga ang mga Pilipino ay kilala na sa ibang bansa sa pagiging magaling na trabahador at madunong sa ICT industry ay hinahanap-hanap tayo maski na sa gaming industry. Diba naglabas na dati ng game ang isang local na kumpanya, ang "Anito" hindi nga lang sumikat masyado kasi lahat ng bata ay naglalaro ng Counter Strike at Ragnarok, pero dahil doon sa "Anito" ay may natutunan na ang mga game developers dito sa atin.

Sana ay sa kanilang karanasan ang mga susunod sa kanilang yapak ay pagpalain at kumita ng malaki mula sa US$10 bilyon na industriya na iyon. Kaya iyong mga bata diyan na mahilig sa computer games, laro lang ng laro, pero pagdating ng araw eh sana ay magamit niyo naman ang ginugol ninyong oras.

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: Good AM, ask ko lang po kung bakit mas mahal ang market value ng Nokia 7250i sa Nokia 3200 eh halos pareho lang naman sila lahat features. Pag tinatanong ko po sa mga tindahan kung ano-ano ang sinasabi. Thanks - Paul of PCG

SAGOT: Maraming paraan para sagutin ko ang katanungan mo Paul, ang pinakamadali ay dahil lang sa law of supply and demand. Mas malaki ang demand para sa N7250i kaya mas mataas ang presyo nito, kahit na pareho sila ng functions ng N3200. Siyempre, kailangang maibenta ng mga tindera iyung mga kinuha nilang N3200 stock kaya bababaan na lamang nila iyong presyo para mabenta na diba?

Meron ding phenomenon na kapag ang cellphone ay may "i" sa dulo mas cool ito kasi higher version ito ng old model, kaya makukuha mo ang lahat ng functions noong dati nang magaling na phone at may mga dagdag pa. Dati bentang-benta iyang N7250, kaya madami ang gamit iyan, siyempre, kapag lumabas iyung "i" version niyan eh di lahat nung dating gustong-gusto iyan eh kukunin din iyan. Ewan ko ba, basta may "i" sa dulo eh iba na ang tingin ng tao. Tulad ako, ang gamit ko ay isang Nokia 6230i. Nung sinabi ko sa mga kaibigan ko na 6230 ang sab nila ay "Ah 6230..." Nung sinabi kong "Ay! 6230i pala..." Lahat sila "Wow! I!" Kaasar ano?

TANONG: Good PM po! Pasensiya na po di ako nakasubaybay sa tabloid na PM kaya sana sagutin niyo na lang po maski maiksi. Pwede po bang mapalagyan ng signal ang SIM na matagal na stuck? Like SMART BUDDY? Paano? TY.

SAGOT: Oks lang po iyong hindi kayo nakakasubaybay noon, ang importante ay mula ngayon ay subaybayan niyo na ang PM at ang WALASTECH! Kaso hindi maganda ang sagot ko sa inyong tanong eh. Nakasulat na rin po iyan sa agreement na kasama sa SIM na inyong binili. Makatapos ang dalawang buwan (60 days) na zero ang load na nakalagay sa isang SIM o ito ay hindi ginagamit sa text o calling, ito ay ide-deactivate na ng network provider. Hindi lang po SMART ang may ganyang patakaran, ngunit lahat po ng network providers ay 60 days lang ang palugit bago magkaroon ng deactivation of service. Ang mas masakit ay makatapos tanggalan ng service o ideactivate ang isang SIM ay wala ng paraan para ito mareactivate muli.

TANONG: Good PM! Tanong ko lang po kung ano yung number na lumalabas pag pindot ito: *#0000# sabi nila eto daw yung date kung kelan ginawa ang gamit na cellphone. Is it true? Thanks and God Bless.

SAGOT: Wala naman eh. Tinesting mo ba? Ang alam ko ay *#06# na kapag itinype mo sa cell mo ay lalabas ang tinatawag na IMEI (International Mobile Equipment Identity) number.

Ito ay rin ay kasama sa kahon o kaya ay minsan nasa sticker sa loob ng lalagyan ng battery. Ito ay isang 15 digit na number. Magandang copyahin ninyo ito at itago dahil ito ang number na hinihingi ng NTC kapag nanakaw ang inyong cellphone para hindi mapakinabangan ng mga magnananakaw ang inyong cellphone. Dahil sa pamamagitan ng IMEI ay pwedeng i-block ang cellphone mula sa lahat ng network providers sa buong mundo.

Kung gusto ninyong malaman ang date of manufacture ng inyong cellphone ay pumunta lamang sa www.numberingplans.com sa internet at hanapin doon ang IMEI number analysis tool. Sa tulong nito, malalaman ninyo kung kailan ginawa ang cellphone ninyo.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-050-

Fwd: walastech 049 - more manlolokos

MORE MANLOLOKOS Ni Relly Carpio

Maski noong bata pa ako yamot na yamot ako sa mga nangaasar na tumatawag sa telepono. Iyung mga tatawag sa gitna ng gabi tapos bababaan ka lang ng telepono o kaya ay hihingahan ka lang.

Buti na lang at mahal ang tawag sa telepono. Isipin mo kung mura lang ang tawag kung gaanong kadami ang manloloko ng ganoon. Siyempre malaking bagay na din na mayroon nang caller ID sa landline at sa cellphone. Kaya madaling malaman ang mga number ng mga nanloloko.

Pero kahit na ganoon ay hindi pa rin naiiwasan iyung mga asoge diyan na nagtetext ng kung ano-ano. Kasi nga naman paano mo sila mapipigilan, wala namang text barring o text filter. Kaya't lalo na ngayon na may publicly available number ako sa column na ito ay sandamakmak na baliw ang nagsisitext sa akin. Nakakayamot!

Kaya kayong mga nabibiktima din ng ganito sabayan niyo na lang ako na isnabin sila. Dahil kung noong wala pang dalawang milyon ang may telepono ay wala ng magawa ang pulis o ang PLDT, paano pa kaya may magagawa ang mga network providers ngayon na may halos 40 milyong cellphone users?

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: May nagtetext sa BF ko Sinisiraan ako sa kanya para mag away kami salamat naman at hindi siya naniniwala, wala pa kasing text number iyung nagtext paano po matrace yung number niya kasi no number po ang nakalagay.

SAGOT: Una, congatulations sa iyong boyfriend dahil hindi siya nagpapadala sa mga text na ganyan na madalas kung mababaw ang isang relasyon ay rason na para mag-break-up. Ikalawa, hindi po maari na ang isang texter ay unknown ang number. Sa pagtawag po ay pwedeng maging unknown number ang tumatawag pero sa pagpapadala ng SMS o ng MMS ay kailangan at kasama sa message ang number ng sender, so andiyan iyan, baka lang nasa setup ng cellphone na huwag idisplay ang number o kaya ay nakasave na sa phone book mo at ang pangalan ay "no number." Pakitingnan lang po ng mabuti. Ngayon kung wala pa rin ay maganda siguro na magpalit ka na lang ng SIM para hindi ka na magulo ng asoge na iyan.

TANONG: Bakit po itong cellphone ng kapatid ko nag black out na ayaw gumana. Ano po ang sira? Nokia po ang brand. Paki sagot na lang po sa text. Gud am po God bless.

SAGOT: Gustuhin ko man sagutin ka sa text ay wala na akong load. Ako po ay isang abang manunulat at mananaliksik. Maliit lang po sweldo namin at kung sasagutin ko lahat ng text ninyo ay wala na po kaming kakainin ng pamilya ko dahil ang dami pong texter. Pasensiya na po. Ang sagot sa iyong katanungan ay simple lang. Ito ay isa ring katanungan: nabagsak ba ang cellphone ng kapatid mo bago ito nag-blackout? O naipit sa bulsa? Nagbabayad ba sa Meralco ang cellphone ng kapatid mo? Baka naputulan? Joke!

Seryoso na: malaki tsansa ay nabagsak iyan at nadamage ang LCD module o ang battery connector. Ang mga rechargable batteries na gamit ng kahit na anong mga gadyet ay bawal na bawal na mabagsak o matamaan ng malakas, dahil nakakasira ito nito. Dalhin nyo na lang po sa trusted na technician iyan ng maayos.

TANONG: Paano ipaputol ang linya ng cellphone o i SIM block kasi may manloloko na nagtetext sa akin heto po ang number niya 09**-***-**** salamat po.

TANONG: Good AM ask ko lang kung pwede ba i pa block ko sa NTC yung cell ng mga naloloko sa akin na naging ka-text ko? Salamat, Melda from Tonda Manila.

SAGOT: Ang pinakamadaling solusyon sa inyong mga problema ay magapalit kayo ng SIM, sa pamamagitan nito ay mawawala lahat ng mga asoge na nanloloko at nanyayamot sa inyo. Kung ayaw ninyo, o hindi kayo maari magpalit ay magpunta kayo sa quick action center ng National Telecommunications Commission sa NTC Bldg., BIR Road, East Triangle, Diliman, Quezon City at doon magfile ng formal complaint sa inyong manlolokong texter. Maari niyo po silang tawagan sa 9267722 o i-email sa ntc@ntc.gov.ph para sa mga katanungan.

Pero, kahit na putulin nila ang number ng manloloko mo, ano pipigil sa kanya na bumili na lang ng bagong SIM at gambalain ka uli diba? Nasa kanya na number mo eh. Maari nyo na ring gayahin ang ginagawa ko: huwag mong pansinin. Sila mauubusan ng piso, hindi ako. Tapos kada gabi, ipagdasal mo na tubuan sila ng kulugo sa ilong!

TANONG: Good PM! Isa po akong masugid na tagasubaybay ng inyong column. Gusto ko pong malaman kung may text barring ang SMART? Kasi may nanghihiram ng CP ko tapos nagtetext ng walang paalam. Hope for your answer.

SAGOT: Walang text barring kahit sino. Huwag mo na lang pahiramin. Sabihin mo "Ayaw!" o "Penge muna piso!" sa susunod na hiramin niya cell mo. kasi kung hindi mo siya kayang pigilan eh kahit lagyan mo iyan ng barring pag sinabi niya na tanggalin mo ang barring eh di gagawin mo din eh di makakatext din siya. Bale wala diba? Just say no.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-049-

November 07, 2005

walastech 048 - MULTIMEDIA MESSAGES AT CARDS

MULTIMEDIA MESSAGES AT CARDS Ni Relly Carpio

Ang MMC ay ang Multi-Media Card na siyang ginagamit ng mga advanced cellphones para ma-expand o mapalaki ang kanilang memory. Ito ay isang plastic card na naglalaman ng memory chip at ito't kasing laki ng singles na Juicy Fruit.

Isa sa mga sinaunang cellphone na gumamit niyan ay ang Siemens SL45 na siya ring unang MP3 player phone na nirelease noong August 2000. Sa mga Nokia fans diyan naunahan niya ang Nokia 5510 ang unang Nokia MP3 player na nirelease October 2001 ayon sa WIkipedia.org na website.

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: Paano po ang pagopen ng MMS? Hindi po kasi ako makapagsend ng MMS sa kaibigan ko. Salamat po.

SAGOT: Bago ka makapagopen ng Multimedia Message Service o MMS ay kailangang may MMS ka muna, at para magka MMS ay kailangang may General Packet Radio Service o GPRS ang phone mo.

Kung wala ka niyan ay kailangang iactivate mo muna. Ang pagactivate ay depende sa iyong network provider. Sa Globe ay kailangan mong dalhin ang iyong cellphone sa kanila o sa shop ng manufacturer para malagyan ng data at masetup para makaconnect ka sa GPRS network, makatapos noon ay ayos na, maari ka nang mag-MMS, kailangan mo lang magpadala ng isa para maactivate.

Sa SMART naman ay kailangan mong mag text sa kanila para mag request ng activatation ng GPRS at MMS kasama ang model ng iyong cellphone. Makatapos mong matanggap ang setup packet mula sa SMART ay i-activate mo thru text muli ang GPRS at MMS.

Kung magkaproblema sa alin man ay handang tumulong ang mga Customer Service Representatives nila, tumawag lang kayo sa tollfree customer hotline ng inyong network provider at magpatulong.

Kakailanganin mo ng load para gumamit ng GPRS at makapagpadala ng MMS. Sa Globe ay minimum ang 25, at sa SMART ay 115 pesos.

TANONG: Good afternoon po. Bakit po ganun unit ko Nokia 6680 kino-corrupt niya yung files ng memory card ko pag ganun ayaw na gumana ng camera kailangan ko na ulit magreformat ng MMC card! Unit po ba ang may problema? Kasi usually po pag puno na MMC Card maghahang ang cell sa akin ico-corrupt niya yun files at di na niya mabasa MMC Card ko. In my case di naman puno yung MMC Card ko. Unti software po ba kaya ang diperensiya? Salamat po ang thank you for your reply. Gumagalang "manta_yoo@yahoo.com" God Bless and more power to you!

SAGOT: Ang haba naman ng tanong mo. Joke! Kahit na medyo may panahon nang nagdaan mula ng naimbento ang MMC at nadevelop ito ay sensitibo pa rin ang mga memory card hanggang ngayon. kaya hindi ako nagugulat na sira na ang MMC mo. Siguro ay nagasgas iyan, o nabagsak, o naground ng mali nung nagtratransfer ng files. Kung software problem iyan ay pati phone mo sira na. Ngunit dahil iyung MMC lang ang may problema sa tanong mo, sira na iyan. Palitan mo na iyan ng bago. Bumili ka ng may tatak na maayos dahil kung iyung cheap lang bibilhin mo ay sandali lang ay sira na naman iyan.

TANONG: Tanong ko lang po kapag may password ang memory card tapos nakalimutan may nagtatanggal ba nun ng hindi mawawala ang mga nakalagay doon? JIM - Las PiƱas City

SAGOT: Wala, maliban na lang kung may kaibigan ka na hacker na maaring ma break iyung security code nung MMC. Ipa-format mo na lang ang MMC mo ng magamit mo na ulit. At sa susunod huwag mo nang lagyan ng password, aberya lang iyon.

-0-0-0-0-0-0-0-

Ang dapat na security code lang ng cellphone ay ang tinatawag na SIM Lock. Sa pamamagitan nito ay walang makakagamit ng SIM card mo kung sakaling manakaw o mawala ito. Di bale na ang cellphone, huwag lang ang mga phone number ng iyong mga kakilala na nasa loob ng iyong SIM.

Baka kasi nanakawan ka na nga ay maka-abala ka pa ng ibang tao. Iyung mga ibang lock kasi ng mga telepono ay madaling nalalampasan ng mga asogeng mga technician diyan na nag-oopen ng mga cellphone ng hindi muna sinisigurado kung saan nanggaling ang cellphone at kung ang may dala nito ay iyung nagmamay-ari talaga.

Kayong mga walang kwentang cellphone blackmarketeers. Isipin niyo nga ginagawa ninyo...baka buhay ang naging kapalit ng cellphone na ino-open ninyo o binili ninyo mula sa magnanakaw. Makarma kayo niyan. Sana naman ay makisama kayo at tulungan ang ating bayan para makaahon. Tigilan niyo na iyang mga maiitim ninyong gawain.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-048-

walastech 047 - manloloko

MAGINGAT SA MGA TEXT SCAM Ni Relly Carpio

Ayon sa mga report ng PNP ay tumaas ang dami ng mga naloloko sa pamamagitan ng text. Ewan naman kasi bakit ang dami diyan, nasabihan lang na nanalo sila ng ganito o ganyan ay ikot na ang pwit at di na nagiisip. Naloloko tuloy.

Ang sabi nga ng isang nakausap ng Team Walastech! na taga SMART ay tandaan lang ito: Kung wala kayong sinalihan, paano kayo mananalo?

Samantala pinadala ito ng GLOBE sa mga subscribers nila noong nakaraang Setyembre 11--Globe Public Service Reminder: Beware of txt messages informing u that u've won a prize. We never ask our winners to pay cash or send prepaid loads to claim a prize. Our winners are advised via letters, phone calls from Globe Reps & advertisements. Don't be a victim of fake promos via text!

So sa susunod na may matanggap kayo ng text na nanalo kayo, magisip muna at siguraduhin na ito ay totoo. Sumangguni agad sa customer service ng inyong network provider sa pamamagitan ng pagtawag sa toll-free numbers nila para matulungan nila kayong makumpirma na kayo nga ay nanalo.

-0-0-0-0-0-0-0-

Sa TECHNEWS: Naglabas kamakailan ang Epson Philippines ng walong bagong produkto. Kabilang dito ang Epson Picturemate 100, isang portable picture printer na kayang magprint ng mga picture mula sa mga Bluetooth phones, memory cards, at mga USB drives.

Ibig sabihin, kahit nasaan ka basta dala mo ito ay maari kang magprint ng mga photo, parang may dala kang padevelopan na sarili. Isipin mo na lang pag reunion ay maari kang agad magprint at ipamigay ito. Maganda ring pang negosyo, lahat nung may mga camera phones na may blue tooth ay pwedeng magpaprint sa inyo ng madalian.

Kasama rin ang dalawang entry level printers, ang EPSON Stylus C67 at ang Epson Stylus C87. Itong dalawang ito ang kauna-unahang entry level printers na may Inkdividual Durabrite Ultra seperate ink cartridges ng Epson. Ang tintang ito ay hindi lamang mas mura at mas matipid kaysa sa mga sinaunang inks ng Epson ngunit ito rin ang sinaunang commercially available waterproof/fadeproof inks ng Epson.

Malaking bagay ito dahil sa mga printer na ito, kapag ang naubos ay isang kulay lamang sa apat na kulay ay iyon lamang ang inyong papalitan. Dati kasi ay dalawang ink cartridge lang ang gamit ng mga printer. May black at tri-colors na ink cartridge lamang. Malaking aksaya noon dahil kapag naubos ang dilaw, kahit mayroon pang cyan (asul) at magenta(pula) sa loob ng tri-color cartridge ay kailangang palitan na ang ink cartridge. Ngayon, kapag naubos ang dilaw ay siya lang ang papalitan.

Ang ganitong sistema ay sa mga mamahaling printer lamang nakikita noon, ngayon sa mas mababa kaysa PhP4,000.00 ay mayroon ka nang high-resolution, four ink printer na waterproof pa ang printouts!

Ang iba pa nilang nilabas ay tatlong All-in-One scanner, printer, copiers: ang Epson Stylus CX 3700, Epson Stylus CX4100 at ang Epson Stylus CX4700; at dalawang industrial scanner: ang Epson Perfection 3590 PHOTO at ang Epson Perfection 4490 PHOTO.

Ang Epson Stylus CX 3700 ay isa sa mga una sa mercado ng All-in-One na mas mababa sa limang libo.

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: Good AM I'm Ellen 30 years old, I read your column in Abante Tonite. I wan't to be part of ICT company but I'm not fluent in english what can i do please help me i need your opinion.

SAGOT: Sa aking opinyon kailangan mong matuto ng dalawang bagay: ang ugaliing magbasa ng ingles at ang bigyang pansin ang binabasa, kasi po ay nasa PM po ang aking column at hindi po sa Abante Tonite.

Dapat nyo rin pong maintindihan. Ang ICT sa kaniya na lamang pong ibig sabihin ay marami ng masasabi tungkol sa kung ano ang kailangan ninyong matutunan para maging successful sa larangan na ito. Information and Communications Technology: kailangan pong matuto kayong humawak at gumamit ng impormasyon, ang pagpapadala sa madla ng impormasyon at alamin ang mga kagamitan na kailangan para dito.

Magbasa para maging madunong at matutong gumamit ng computer at internet. Iyan ang unang hakbang. Magugulat na lang kayo kapagdaka na ang internet na mismo ang siyang magmumulat kung saang segment ng ICT kayo mapupunta.

Sa tingin ninyo paano ko nalaman na kailangan ng isang column na magtuturo sa mga kababayan natin tungkol sa ICT?

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-047-

October 28, 2005

WALASTECH 046 - NEW APPLE PRODUCTS

BAGONG PRODUKTO MULA SA APPLE Ni Relly Carpio

Ang nakamamangha sa TECHNEWS na susunod tungkol sa Apple ay iyung pagpapaliit nila lalo at pagsisiksik ng kanilang mga produkto na halos gapisngot ng dati. Isipin niyo na lang iyung iPod Nano. Halos kasing nipis ng lapis! Kalahati ng laki nung dati nilang produkto na nilabas.

Kung dati eh para makapagpatugtog ng kanta ay kailangan mo ng jukebox na kasing laki ng bariles, ito di lang mas marami ang kanta ay maari mo pang ilagay sa loob ng pantalon ng walang kahirap-hirap. Exciting kung iisipin kung ano pang mga produkto ang ilalabas ng mga ibang kumpanya. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng mga ibang makatech at dapat ninyong malaman na ang Apple at ang CEO nitong si Steve Jobs ay siyang tinatawag na trendsetter sa industriya ng computers at sa MP3 players.

-0-0-0-0-0-0-0-

Sa TECHNEWS: Prinesenta kamakailan ng Microwarehouse sa Media ang mga bagong product ng Apple na kanilang dinidistribute dito sa Pilipinas sa media. Kabilang dito ang mga bagong iBook laptops, MacMini, mga bagong software para sa mga computer nila. Mayroon din silang bagong mouse na ngalang Mighty Mouse. Ito ang kaunaunahang mouse para sa Apple na may "right-click" maliban sa iba pang mga nagagawa nito. Pwedeng gamitin ang microball sa ibabaw nito para mag-pan at scroll ng documents. At kakaiba sa mga ibang mouse: kapag pinisil ang gilid ng Mighty Mouse ay isa pang paraan ito ng pagpindot sa kaniya. (Suggested Retail Price PhP3,600.00)

Inanunsiyo na rin nila ang pagsama ng iPod at ng iPhoto sa iisang produkto na lamang, dahil lahat ng bagong Ipod ay gagawing colored LCD at photo capable na. Binagsak din nila ang presyo ng 1GB ng kanilang napakasikat na iPod Shuffle. (Bagong SRP PhP8,990)

Nilabas din nila ang iPod Nano. Ito ay ang kanilang pinakabagong mp3 player na papalit sa iPod Mini at kaya nitong magdala ng hanggang 1,000 kanta o 25,000 na digital pictures. Nakakamangha ang liit nito dahil 0.27 inches lang ang nipis nito at 1.5 oz lang ang bigat. Ito ay may maliwanag na color LCD, hanggang 14 na oras ang baterya nito. Pwede ito sa Mac o sa Windows at available siya ng puti o itim. Dalawang klase ang iPod Nano, may 2 gigabyte model na mabibili sa PhP 12,990 SRP at ang 4 gigabyte na PhP 15,990 SRP naman.

Lahat ng accesories na para sa mga sinaunang iPod ay magagamit nito dahil iyung 30 pin dock connector na gamit ng mga ibang iPod. Mabibili ang mga ito sa mga mall at sa mga malalaking computer shops.

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: May upgrades po ba ang version ng software ng mga cellphones? Halimbawa 3.22 lang po yung version sa aking phone, pwede po ba upgrade iyon? Kung pwede saan po at magkano kaya sa tingin niyo ang bayad? Ed of PCG

SAGOT: Dalawang paraan po ang pagsagot dito: pwede po at hindi po dapat.

"Pwede po," dahil may mga tinatawag na smart phones na gumagamit ng tinatawag na Windows Mobile bilang kanyang Operating System (OS) na gawa ng Microsoft. Ang mga telepono na ito ay maaring i-upgrade ang OS sa pamamagitan ng pagkuha ng mga upgrade patches o kaya ay ipareformat ang cellphone at pakabitan ng mas bagong version ng OS. Ito ay kailangan dahil makabago ang teknolohiya ng Smart phones kaya pwedeng sabihin na marami pa itong bigas na kakainin. At kailangan ng mga upgrades panaka-naka.

Walang kinalaman sa SMART Communications, Inc. na network provider dito sa atin ang mga Smart Phones. Pero sila ang unang nag-offer ng Smart Phones dito sa Pilipinas.

Iyung ikalawang sagot ay iyung mga upgrade sa isang phone para ito ay maging ibang model ng phone sa pamamagitan lang ng pagdagdag ng mga software enhancements na hindi naman dapat dito. Ito ay ginagawa ng mga technician na pinagsusugalan ang inyong cellphone. Bakit sugal? Kasi hindi naman dinisenyo ang cellphone na iyon para sa ganoong system upgrade, pero sa kaunting kalikot nga naman ay maari na diba?

Kaya di bale ng ma-void o matanggal ang warranty, o kaya ay malagay sa alangan ang cellphone, basta maging kaiba ang unit sa lahat ng ibang unit ay ipipilit na ito ay i-upgrade. Kaya po pwedeng ang sagot ko din sa inyong tanong ay "Hindi po dapat." Kapag nasira ang cellphonne ay papalitan ba nila iyon?

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-046-

October 19, 2005

WALASTECH 045 - KALIDAD SA TRABAHO

WALASTECH 045 - KALIDAD SA TRABAHO Ni Relly Carpio

Marami sa mga tanong na aming natatanggap ay ang mga nagahahanap ng trabaho, hangga't maari ay pinipilit namin na tulungan kayo sa inyong hinanaing at sagutin ang inyong mga katanungan para makahanap kayo ng maayos na mapapasukan. Pero sadyang mahirap ang makahanap ng mapapasukan ngayon. Ngunit sa kaunting tiyaga at panalangin ay siguradong pagpapalain din kayo. Huwag mawalan ng pag-asa at tibayan lang ang loob.

Sabi nga nila, kahit na anong trabaho basta marangal ay hindi dapat ikahiya. At hindi dapat tanggihan ang grasya kahit na gaanong kaliit ito. Ganoon naman talaga nagsisimula ang lahat ng mga naging maunlad sa pamumuhay eh, sa simple. At kapagdaka ay maaabot din ninyo ang inyong mga pangarap.

Kapag naghahanap ng trabaho ay hindi dapat ito tingnan bilang simpleng mapapagkakitaan lamang. Ang magandang maging gawain ay tingnan ang trabaho bilang mga baitang na dapat pagdaanan para makamit ang mas mataas na antas ng posisyon sa kumpanya. Ang sabi nga, "Don't look at it as a job, but as a career." Hindi nagtatapos ang pagkakaroon ng trabaho sa iisang posisyon lang, ngunit tulay para sa ikaaunlad ng inyong buhay sa mahabaang panahon.

Pero dahil nga sa panahon ngayon na talagang dapat kayod-marino tayong lahat, hindi pwedeng pa bandying-bandying lang. Sipag at tiyaga kaibigan, makukuha mo din ang iyong inaasam. Ibang-iba na ang hinahanap na kalidad ng trabaho ngayon, huwag kang makakampante.

-0-0-0-0-0-0-0-

Sa mga interesado, at alam kong marami kayo diyan, may JOB FAIR ang STI ngayong araw na ito (Sept. 22) sa Megatrade Hall 1 ng SM Megamall. Nagsimula ito kahapon, at hanggang ngayon na lang ito. Sa mga naghahanap ng trabaho na mapag-a-apply-an dalhin ang inyong mga resumes, kopya ng transcripts of records, 2x2 colored pictures, certificates of employment, at mga ibang documento, kung mayroon kayo. Ito ay handog ng STI at MyTrabaho.

Pitumpong (70) major employers tulad ng PLDT, Accenture, Viventis, ADD Force, Convergys BPI, Metrobank, Teleperformance, at Staff Alliance ay maghahanap ng trabaho para sa hanggang 80,000 applicante. Maliban sa mga trabaho ay mayroong ding mga career seminar, pamimigay ng SSS number, pakuha ng ID picture at pagkopya ng resume.

Sponsored ang Job Fair na ito ng Smart, Grow Inc., Air Philippines, Daksh E-Services, at Asia Select. Wag nang mag-isip, ligo na and go!

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: Good PM po ask ko lang kung paano ko mababawi ang cellphone ko na ipinaswap sana ng friend ko pero 20 days na di pa naibabalik pls help me.

SAGOT: Maganda siguro na ipapulis mo na ang iyong "kaibigan" kasi ninakawan ka na niya. Kung sabihin mo sa kanya na ipapupulis mo na siya at hindi pa rin niya binalik ay ituloy mo na ng maputol na ang sungay ng asoge na iyan ng maaga. Ngayon, siguro naman ay madadaan naman iyan sa mabuting usapan kung kinakailangan, sino nga naman ang gustong makulong ng dahil lang sa cellphone.

TANONG: Nakabili po ako secondhand CP pag matagal siyang nakabukas lumalabo ang mga program. pag switch off ko bumabalik uli sa normal, dati pa siyang may backlite. Salamat po sa inyong magiging kasagutan. Zairus Naga City

SAGOT: Ang una mong problema ay secondhand ang phone mo, ibig sabihin eh mahirap na malaman kung ano na ang pinagdaanan ng telepono na iyan, pero dahil LCD lang naman ang sira tulad ng sinabi mo ay madaling ayusin iyan, papalitan mo ang LCD ng phone mo dahil pasira na iyan. Baka iyon lang ang problema niyan.

-0-0-0-0-0-0-0-

Mula sa isang reader: Advice ko sa mga reader nyo kung gusto nila apply sa call center, check nila website ng www.jobstreet.com pwede pa sila gumawa sariling resume dun di kayo mauubusan ng trabaho dun pwede pa kayo pumili ok this is mirak_82.

SAGOT: Dati ko pa sinasabi sa mga emailed questions tungkol sa trabaho na diyan sila maghanap. Ang Jobstreet.com ay katulong ng Star Group of Publications at isa ito sa pinakamagandang website para sa mga naghahanap ng trabaho. Kaso mirak_82, hindi ganoong kadaming kababayan natin ang marunong na mag-internet at may internet access. Sa huling tala ay nasa 8 milyon lang ng ating mga kababayan ang matatawag na internet literate o marunong gumamit ng internet. Kaya ang aking panawagan sa mga marurunong ng maginternet, turuan ninyo ang inyong mga kakilala kung paano gumamit ng dumami ang marunong at maging WALASTECH tayong lahat.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-045-

WALASTECH 044 - NEW EVAT

ANG KATOTOHANAN NG BAGONG VAT Ni Relly Carpio

Noong nakaraang linggo ay nagpameeting ang Computer Manufacturers, Distributors and Dealers Association of the Philippines o COMDDAP. Sila ang organisasayon ng mga primerong kumpanya na siyang nagbebenta ng mga produkto at serbisyong saklaw ng mga computer.

Nagimbita sila ng mga ilang miyembro ng media at ipinakinig sa amin ang presentasyon ni Atty. Ruel Soriano ng Quiason Makalintal Barot Torres & Ibarra Law Firm. Siya ay isang eksperto sa taxation law. Siya ay nagsalita tungkol sa bagong E-VAT law na siyang naka binbin ngayon sa Korte Supremo.

Ayon sa kanilang speaker ay dahil sa bagong VAT ay siguradong tataas lahat ng presyo ng mga apektadong produkto. At dahil saklaw ng bagong batas na ito ang kadamihan sa mga ICT companies ay siguradong tataas ang mga presyo ng mga ICT products and services. Bagong pahirap na naman. Maliban kung maayos at maamendiyahan ang batas para hindi maging malaki ang dagok sa mga kumpanya para hindi ito maipasa sa ating mga consumer.

Ayon kay COMDDAP President Wesley Ngo maaring tumaas ng hanggang 6% ang lahat ng presyo ng mga computer parts and services dahil sa bagong E-VAT law. At sabi naman ni Atty. Soriano ay siguradong magtataas ng mga business margins ang mga kumpanya para lamang mabawi ang kanilang ginastos.

Pero totoo nga, sa bagong batas na ito ay kikita ng malaki ang gobyerno, at dahil dito ay bababa ang budget deficit natin. Pero ang kinakatakot ng COMDDAP, at siya namang sinangayunan ni Atty. Soriano ay baka dahil sa pagtaas ng mga taxes na ito ay mawalan na ng mga kumpanya na siyang magnenegosyo dito sa Pilipinas.

Sana nga ay maayos ng ating mga mambabatas at ng ating mga huwes itong bill na ito at sana ay dinggin nila ang hinaing ng ICT sector na siyang isa sa ating mga inaasahan ngayon na magaangat sa ating bansa mula sa kahirapan.

Di kaya masyado nating minamadali ang pag-ayos ng budget kapalit ng kawalan ng investors at ng mga trabaho? Ito nga lang ba ang paraan para maayos ang ating budget deficit? Tama ba na ang tuunan ng pansin ng ating mga mambabatas ay ang pagpataw ng bagong buwis sa pangangalakal ng mga lehitimong kumpanya imbis na ang paghabol sa mga asogeng smugglers na dapat parusahan?

-0-0-0-0-0-0-0-

Isang sobrang simpleng halimbawa: Sa bagong VAT ay madadagdagan ng 2% pa lahat ng business transactions; at madadagdagan ng 6% ang presyo ng mga computer products and services.

Dagdag 8% ang presyo ng lahat ng text at tawag. Papayag kaya kayo na mas lumaki ang text sa piso?

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: Palagay mo may sweldo ang training ng call center rep?

SAGOT: Hindi lang po palagay, alam ko na meron po. Pero hanggang nasa training ka ay ang tawag lang dito ay stipend o allowance. Pero hindi na rin biro ito dahil minsan ay nasa 14,000 pesos a month ang kanilang binibigay na allowance.

TANONG: Meron po ba kayung alam na trabaho na sa bahay lang? Tulad po ng online typist? May computer at internet po kasi ako dito sa bahay. Gusto ko po sa bahay na lang magtrabaho. Lourdes

SAGOT: Meron po akong naririnig na ganiyan, at mayroon nga akong pamangkin na nagsabi sa akin na ganyan ang kanyang trabaho noon. Ngunit iyung kanyang nakuhang kliyente ay isang doktor na ipinatra-transcribe iyung kaniyang mga audio records. Mayroon niyan kaso kailangang hanapin mo din sa internet. May mga call centers na itatayo pa lamang gamit ang teknolohiya ng Voice Over IP o VOIP na iyan ang service. Isa na dito ang Five9 Call Center.

TANONG: Willing po ako mag undergo ng speech training, I live here in ParaƱaque, please give me call center company where I can apply. TY and God Bless. Rachel del Rosario

SAGOT: Ang suwerte mo naman Ms. Del Rosario dahil kadamihan ng mga call centers ay nasa South ng Metro Manila. Ang Libis lang ang nasa bandang North ng Metro Manila, at iyon ay nasa East side pa. Try nyo po maghanap sa Alabang at sa Makati. Kung gusto ninyong mas malayo ng kaunti ay naindiyan ang ortigas. Lima po ang sentro ng mga contact center companies dito sa Pilipinas: Libis, Ortigas, Makati, Alabang, and Cebu. Sabi nila ay susunod daw ang mga lugar ng Subic at Clark na dati nang may mga contact center; at sa far South ay ang Cagayan de Oro at Davao.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

October 11, 2005

WALASTECH 043 - HIYA AT YABANG

HIYA AT YABANG Ni Relly Carpio

Naiintindihan ng Team WALASTECH kung gaanong kahirap na matuto ng mga bagong bagay. Madalas kasi ay nauuna ang hiya at yabang. Hiya dahil ayaw mong umamin na mangmang ka sa makabagong teknolohiya. Yabang dahil gusto mong magmukhang marunong kahit hindi mo naman alam.

Natutunan ko ito dati ng ako ay sinabihan ng isang kaibigan na sobra akong magmarunong sa computers. Nang ako ay magmarunong na kaya kong sagutin kahit anong tanong tungkol sa computer ay may tinanong siya sa akin na sobrang simple pero hindi ko masagot. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano sagot sa tanong na iyon, pero ang aral ng pangyayaring iyon ay nakatatak sa aking pagiisip hanggang sa ngayon.

"Oh eh anong kadramahan naman ito?" Ika nyo. Simple lang: Minsan matagal ang sagot namin sa inyo dahil maski kami ay hindi namin alam ang sagot. Hinahanap pa namin ang tamang sagot sa inyong katanungan. Hindi kasi kami pwedeng mahiya at hindi kayo sagutin, o magyabang at magkunwari, dahil ang aming ginagawa ay isang serbisyo sa inyo aming mga mambabasa at hindi namin pwedeng isantabi ang inyong pagtitiwala. Kaya sa mga naiinip sa aming mga kasagutan sa inyong tanong, muli, kaunting pasensiya.

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: Ask ko lang kung ano problem ng PC ko kasi laging naghahang. Im in a middle of something tapos biglang magrereset, winXP ang OS ko, 160 MB RAM.

SAGOT: Marami pong maaring dahilan kung bakit naghahang at negrereset ang isang computer. isa na diyan ay baka ang OS ninyo na ininstall ay kulang sa tinatawag na security and version upgrades. Magconnect po kayo sa internet at idownload itong mga ito. Pwede rin po na masyadong mababa ang inyong RAM. Mas maganda kung nasa 256 Megabytes na RAM na kayo kapag naka Windows XP kayo. O kaya ay masyadong mababa ang clock speed ng inyong processor. marami po talagang mga rason kung bakit magkakaganyan ang inyong computer. Ang pinakamaganda ay kung nasa warranty pa iyan ay tumawag kayo sa inyong pinagbilhan at iparepair, kung wala naman ay maghanap na ng mapapagkatiwalaan na technician at patingnan ang inyong unit.

TANONG: Ako po si louie tatanong ko lang kung paano ipablock yung phone ko 7610 poh yung fone ko naholdap po kasi ako...

SAGOT: Tatlo pong bagay ang kailangan ninyo: ang IMEI number ng inyong phone, ang resibo na nagpapatunay na kayo ang bumili ng phone, at isang pulis report na may kaakibat na notarized notice of loss through theft ang inyong cellphone. Dalhin po ito sa quick action center ng National Telecommunications Commission sa NTC Bldg., BIR Road, East Triangle, Diliman, Quezon City. Maari niyo po silang tawagan sa 9267722 o i-email sa ntc@ntc.gov.ph para sa karagdagang kaalaman.

Kapag napatunayan nila na kayo po talaga ang mayari ng cellphone ay kanila pong ipapablock ang IMEI number nito at hindi na ito magagamit uli. Pero tulad ng sabi namin ay may merong mga asoge diyan na nagpapalit ng IMEI number ng mga nakaw na cellphone. Tubuan sana sila ng kulugo sa ano...

TANONG: Pwede ko ba pa-upgrade ung KB or kilobytes ng cell unit ko kasi masyado na po siyang mababa built in cam po kasi siya. Thanks.

SAGOT: May nakapagsabi sa akin na may mga technician na ginagawa iyan, pero sa aking tingin ay ito ay delikado dahil hindi naman dinesign ang cellphone na inyong binili para gumamit ng ganoong kalaking memory, di lamang sinisira ng upgrade na ito ang warranty ng inyong cellphone pero maari din itong maging sanhi ng pagkasira ng inyong cellphone mismo.

Ang pinakamagandang solusyon dito ay ipatransfer na lang ang pictures mula sa inyong cellphone via infrared o bluetooth sa computer. May mga nabibiling external infrared interface para sa mga computer na may kasama nang software, nang sa gayon ay hindi na magiging issue ang maliit na memory ng inyong cell. Magtanong lamang sa mga mapapagkatiwalaang computer shop.

TANONG: Paano po makakabili ng 2 SIM card na pareho number niya? At kung may text message pareho sila tanggap. Thanks.

SAGOT: Wala pong ganoon dahil mula ng magkaroon ng GSM network dito sa Pilipinas ay nasugpo na ang cloning na siyang naging problema ng sinaunang cellphone system sa ating bansa. Hindi po legal ang magkaroon ng clone SIM. At iyung may mga back-up SIM tulad ng sa mga premium accounts ng mga network providers ay isang SIM lang ang maaring gamitin sa anumang oras.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-043-

walastech 042 - VALUE ADDED SAKIT NG ULO

VALUE ADDED SAKIT NG ULO Ni Relly Carpio

VALUE Added Services, andaming nayayamot sa kanila pero kung wala naman sila eh di ang boring ng ating mga cellphone. Alam mo naman kasi ang pinoy, kailangan palaging unique. Tingnan mo na lang ang mga pampasaherong jeepney sa daan, may magkapareho ba? Wala diba? Sa cellphone pa kaya eh papayag ka?

Asus! Hipokrito! Kunwari pa ito. Aminin mo na, hindi mo lang alam paano baguhin iyan kaya iyang kalembang ng sorbetero pa rin ang ringtone mo. Iyan ang nakakayamot sa mga VAS at sa mga content providers, love -hate relationship tayong mga subscribers sa kanila, kasi minsan trip na trip natin ang gawa nila, minsan naman pakiramdam natin ay naloko tayo. Kasi nga naman hindi katunog ng Spaghetti Song iyung MIDI na sabi nila ay Spaghetti Song, o ang labo nung mukha sa wallpaper ni Aubrey Miles! Pero pag swak naman eh halos sambahin natin sila kasi "Ang cool ng cellphone ko!"

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: Bakit minsan sobra delay kung dumating yung mga text sa akin? Halimbawa may text sa akin ng umaga, dating siya hapon na. Sa unit po ba ang problema or sa network provider? alen of pcg

SAGOT: Pareho po. Sa cellphone po ang solusyon na mas madali para bumilis ang pagpadala at paghandle ng messages ng network provider. Mayroon pong tinatawag na message center ang mga network provider. Mayroon po silang inilalaan na dami ng users sa kada message center number at server. Kapag sobrang dami na po ng gumagamit ng number na iyon ay maco-congest na po ito at babagal na sa paghandle ng messages. Tumawag lamang po sa network provider at humingi ng bagong message center number na iyong ipapalit sa dati na nasa message settings ng inyong phone lamang.

May solusyon din mula sa network providers iyon naman po ay i-expand at i-upgrade ang kanilang systems para makahandle ng mas madaming messages. Hindi po naman namin sinasabi na nagkukulang ang network providers. Hindi biro ang kanilang ginagawa na hayaang makapagtext ang halos 40 milyong Pilipino araw-araw. Hanggang ngayon po ay SMS capital of the world pa rin tayo dahil sa kanilang serbisyo.

TANONG: May I ask kung paano ide-deactivate yung VAS na aking ipinaoff na pero tumutuloy pa rin. Nagpadala na sila ng text na hindi na daw ako makakareceive pero kinabukasan ay mayroon uli. Di tuloy ako makapagload ng 300 kasi mauubos lang ito kaagad kung araw araw mababawasan ng 2.50. I hope you can help me with your problem.

SAGOT: Actually kung araw-araw ay 2.50 lang ang mababawas sa iyung load ay aabot ito ng 120 days. Mauunang mage-expire ang load mo at 60 days bago ito maubos. Pero oo naiintindihan ko yamot mo, dahil hindi ka nag-iisa, andaming nagte-text ng ganitong problem. Bweno, kung ito ay nangyayari sa inyo, ito ang the best: tumawag sa inyong network provider at magfile ng formal complaint thru their toll free numbers.

Mayroon pong over 1000 content providers na gumagawa ng VAS at ibinebenta sa mga over 30 million subscribers ng mga cellphones. Ang usapan po ng kita sa kanila ay padamihan ng magdo-download. Mayroong pagkakataon na nagkakaproblema sa system at hindi agad natatanggal sa lista ang inyong subscriptions, kaya napapadalan pa rin kayo.

May isa akong source na nagsabi na may iba na nananadya at kapag nahuli ay kamot ulong magsosori at saka lang aaksiyunan ang pagtanggal ng subscription pero wala na pera mo. Walang balikan, kasi hindi ka nga naman pwedeng magsampa ng kaso dahil mas mababa ng 5000 pesos ang usapan, na ayon sa ating batas ay siyang kailangang malampasan para magkaroon ng lehitimong kaso.

At ano ngayon kung mayamot ka? Eh di lumipat ka ng network! Isa ka lang sa milyon-milyon! Diba? Kaasar ano? Pero pag nagfile ka ng formal complaint, magkakaroon ng paper evidence na ayaw na ayaw ng mga asoge na iyan, kaya maaksiyunan na. Mahirap na nga namang magkaisa lahat ng mga ina-asoge nila at kasuhan sila diba?

-0-0-0-0-0-0-0-

Doon sa mga nagrequest na ilathala po namin muli ang impormasyon tungkol sa single SIM load business na PinoyGSM reLoad, eto po: pwede po kayong tumawag sa numerong 4396422. Ang kanilang opisina ay pwedeng bisitahin sa 309 Consolacion Bldg, Araneta Center, Cubao, Quezon City. Sa mga gumagamit ng Internet, pwede din pong puntahan ang kanilang website sa http://www.pinoygsm.com o sulatan sila sa hello@pinoygsm.com via email.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-042-

walastech 041 - how to make a resume

ANG RESUME Ni Relly Carpio

MADALAS kung nag-a-apply sa trabaho ang kailangan lang ay magpuno ng bio-data at magdala ng NBI Clearance tapos ito ay ipasa sa kumpanya na inaaplayan. Pero pagdating sa pag-apply sa mga trabaho na mas malaki ang kita, o kaya ay iyung nasa corporate na setting tulad ng mga opisina, ang paggamit ng Resume (basahin na re-siyu-mey) ay siyang dapat na gawain. Lalo na kapag ang inaaplayan ay isang ICT field job tulad ng call center.

Ang Resume ay nilalaman ang lahat ng makikita sa bio-data, at iba pa. Ang siyang pinakamadalas na dagdag sa resume ay iyung mga tungkol sa iyo na dapat malaman ng company kung saan ka nag-apply. Ano naman ang pakialam ng isang kumpanya kung anim na taon kang janitor kung ang habol mong trabaho ay data encoder? Ano connect non?

At hindi pang lahatang application ang resume, di tulad ng biodata. Kada klase ng trabaho na ina-applyan mo ay kailangan ng ibang klaseng resume. Putting your best foot forward ika nga.

Ayon sa isang article, may apat na bagay na dapat mong palaging ilagay sa resume mo ito ay ang: volunteerism, association memberships, computer proficiency, at mga ibang linguahe na iyong alam.

Iyung volunteerism ay iyung mga ginawa mong volunteer work kahit saan, kesa sa barangay, Red Cross, simbahan, o iskwela. Ang memberships naman ay iyung mga religious groups, clubs, o chuva na iyung kinasasalihan. Oks nga naman iyon diba? Dahil malalaman ng kumpanya na ikaw ay isang responsableng mamamayan, hindi isang patay-gutom na tambay diba?

Sa computer proficiency, isulat mo lahat ng program na alam mong gamitin sa computer. Huwag kang mahiya kung Word at Windows 98 lang ang alam mo, buti nga may alam ka eh. Kasi lalo na sa corporate ay lubhang importante kung marunong kang magcomputer, kahit na iyung patype-type lang.

Sa other languages ay swak agad tayo kasi karamihan sa mga Pinoy ay tri-lingual! Tatlong linguahe: Filipino, English at mamili ka na--Ilonggo, Cebuano, Panggalatok, Zambal, atbp.

Ang madalas na pagkakaayos ay ganito: Objective - sabihin kung anong klaseng trabaho at posisyon ang iyong hanap at kung bakit ikaw ang swak sa trabaho na iyon. Sunod ay Experience - iyung mga napagdaanan mo na mga trabaho, simulan mula sa may kinalaman sa inaaplayan! At kahit na gaanong kaliit na trabaho, basta marangal, isama mo. Ikatlo, Education - huwag mo nang isama ang grade school, mula highschool na lang at pati iyung mga special electives at vocational courses isama mo. Huli ang Other Skills/Information - kaya mo bang mag balance sa gulaman at ngumuya ng barbed wire? Dito iyan at ang ibang pang bio-data na datos, pati na rin iyung mga binanggit kanina na computer o language skills at associations o memberships.

Gumamit ng mga Action Words kung tawagin. Mga salita tulad ng: team work/player, multi-tasking, executed, organized, performed, maintained, supervised, managed, directed, developed, implemented. At siguraduhin na maayos ang tenses at concise ang pagsulat, resume ito, hindi nobela. Huwag kalimutan ang maayos na punctuation! Magpatulong sa kakilala na magaling sa ispokening dollar.

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: Bakit di nakakareceive ng tones or pic messages yung phone ko? Kaya ang laki ng gastos ko sa load kadalasan kasi puro download lang ako. Ang mga narereceive ko na pic messages ang lumalabas lang ay "0" o "?" Pero nakakareceive naman ako ng MMS.

SAGOT: Hindi po lahat ng mga VAS content na ginagawa ng mga content providers ay para sa lahat ng telepono. Obviously, kung ang market share ng cellphones ay mostly NOKIA eh di sila ang igagawa ng content. Kaya madalas, kung ibang brand ang cellphone mo, ay sorry ka na lang, di ito marerecognize o paling ang sizing pag nakuha mo man.

The best ay magsurf na lang thru WAP at mula doon magdownload kaysa sa mga codes na nakikita sa mga ad sa diyaryo o sa TV kasi madalas pang NOKIA iyung mga iyon. Or magpunta sa mga stall na nagbebenta ng content at sa kanila bumili. At least kung hindi tumakbo sa cell mo ay pwedeng balik bayad. Mamumuti mata mo sa kakakintay kung magcocomplain ka sa networks pag na-asoge ka na ng mga content providers.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue. Halaw ang mga tips mula sa Resume Writing 101 na article mula sa www.collegeboard.com.

-041-