WALASTECH 068 -051117 CHIKKA MAY SUN NA! Ni Relly Carpio
Sa TECHNEWS: Ipinaalam kamakailan ng CHIKKA, ang premyadong computer to cellphone mobile text service dito sa Pilipinas na sila ay konektado na rin sa SUN CELLULAR. Kinukumpleto nito ang kanilang coverage ng lahat ng local network providers kasama ang GLOBE at SMART. Ngayon ay kahit na anong cellphone ay maari nang matext ng libre sa pamamagitan ng CHIKKA at ng internet.
Inanunsiyo rin nila ang kanilang pagprovide sa India ng kanilang services. Umaabot ng 50 milyong taga-India ang gagamit ng proudly Philippine Made na free SMS technology ng CHIKKA. Congratulations sa CHIKKA at salamat sa pagbigay ng libreng SMS services sa mga internet users.
-0-0-0-0-0-0-0-
Sa mga hindi pa nakakaalam tungkol sa CHIKKA, sila ay isang kumpanya na may naimbento na teknolohiya na maaring gamitin para makapagpadala ng libreng text sa gamit ng internet. Basta ang kailangan ay iyung idownload ang program nila at gamitin ito para makaconnect sa kanilang SMS network sa internet. Mula doon ay pwede ka nang magpadala sa kahit na anong network ng libre. Ang pagsagot ng iyong tinext ang siyang may bayad.
-0-0-0-0-0-0-0-
TANONG: Ano po ang pwedeng pasukin na work for college undergraduate na kagaya ko? Pwede po ba ako magapply sa call center? Saan po ba pwede mag-apply? Thanks and more power. D.L.A.
SAGOT: Pwede kang mag-janitor o mag basurero din. Iyan ang nakakatawa sa bansa natin eh, may mga kumpanya na janitor lang ang kailangan eh dapat may 2 years college ka! Samantalang sa mga ibang bansa ay kahit high school lang pwede na. Anyway, hindi lang naman call center ang naghahanap ng college undergrads eh. Pero kung tapos ka ng college mas marami kang mapapag-apply-yan na mga trabaho.
TANONG: Good PM, ask me lang kung pwede mablock ang cell ko, ninakaw kasi 3 months ago na. Kaya lang wala na yung IMEI niya naitapon ko na kasi. Pwede ba kahit yung cell number kasi minsan nag text sa akin gusto makipag text mate. Salamat EDNA
SAGOT: Sorry, pero hindi mo maaring maipablock ang cellphone kung wala sa iyo ang IMEI number ng cellphone. Ang phone number ay magagamit para mapa-block ang SIM na alam naman nating napakadaling palitan diba? Pero kung walang IMEI at walang recite of purchase, hindi mo maaring maipablock ang lost/stolen cellphone.
TANONG: Hi! Sir good PM bakit yung cellphone ko pag magtext ako report ang magreply sa akin?
SAGOT: Naka-on po sa settings ng message setup ang message status report. I-off po ito para matigil kasi may charge po ang mga report na iyan kung nasaan na ang SMS mo. Ginagamit iyan para malaman mo kung natanggap na ng pinadalhan mo ang iyong text.
TANONG: Good PM po! Bakit po di na ako makapasok sa SMART unlimited gayong dati mabilis lang naman, mga 2 weeks na ako nagpaparegistered pero laging message sending failed, bakit po kaya? Salamat po! Yhen
SAGOT: Kasi po andami po na pinipilit na makaaccess sa unlimited service ng SMART. Baka naman talagang natatapatan ka lang ng heavy traffic, kaya hindi ka makalusot. Subukan mo na sa early morning o late night na pasukin iyung unlimited service para walang masyadong kalaban.
TANONG: Good PM pwede ba malaman ang contact number ng NTC thanks from Tondo Mla.
SAGOT: Heto po: National Telecommunications Commission sa NTC Bldg., BIR Road, East Triangle, Diliman, Quezon City. Maari niyo po silang tawagan sa 9267722 o i-email sa ntc@ntc.gov.ph.
TANONG: Good AM po, gusto ko lang magtanong tungkol sa cell ko ang tagal mag full charge. Four hours at 30 minutes ang pag charge sana bigyan niyo po ako ng good advice. Joelito Cebu
SAGOT: Ako tatlong oras mag charge, bago cell ko. Hindi lahat ng cellphone battery ay pare-pareho, may mga mas maliit na mabilis i charge at may mas malaki na matagal. May tinatawag na fast charger para mas sandali ang charging time ng battery. Pero para malaman ang tamang tagal ng pag charge ng iyong cell, magandang tingnan sa manual o itanong sa manufacturer mismo kung gaanong katagal ang tama. Kung may problema, paayos mo na o bumili na ng bagong battery o charger, alin man sa dalawa ang sira.
-0-0-0-0-0-0-0-
Congatulations kay Mr. Rajendra Pangrekar, ang bagong appointed na Country Manager ng Ericsson Philippines. Naway sa inyong paggabay ay maging mas maaga ang pagdeploy ng 3G cellphone networks sa Pilipinas. Welcome to the Philippines at mabuhay po kayo!
~0~0~0~0~0~0~0~
Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers, at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.
-068 -051117-