February 02, 2006

walastech 064 - 051108 - PINOY ATAT SA TEXT

WALASTECH 064-051108 PINOY: ATAT SA TEXT! Ni Relly Carpio

Ayon sa isang study na pinagawa ng Siemens noong December 2003 sa buong Asia Pacific, ang mga Pilipino ang pinaka di mapakali kapag tumagal na walang nag-tetext o tumatawag sa kanilang cellphone. Kasali sa study na ito ang China, Australia, Hong Kong, Indonesia, India, Malaysia, Philippines, Taiwan at Thailand. Kumpara sa 20% ng Australia at 37% ng Taiwan, tayo ay nasa 77%. Taka pa ba kayo kung bakit tayo ang SMS capital? Ang pinakamalapit na pasaway? Indonesia sa 66%.

Ano ibig sabihin niyan? Kung kukuha ka ng isang Australyano at Pinoy at pinagsama mo sila sa isang kuwarto kasama ang kanilang cellphones at wala sa kanilang nagtetext, sa isang beses na tingin ng Australyano nakaka-apat na si atat na Pinoy.

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: Paano ma de activate yung pagpapadala ng SMART ng ringtone saka logo kasi nauubos load ko na hindi ko pa nagamit?

TANONG: Paano po ba mapapahinto ang pagpapadala ng dream trivia ng 232. Kasi po nauubos ang load ko. Salamat po sa inyo.

TANONG: Bakit po kaya ganun ang SIM ko? Dahil sa load ko na laging dinededuct ng nagpapadala ng picmsg at logo. Nag send na ako "pic msgoff" at "stop logo." Kasi nagpapaload po ako ng 30 at 60, 5x pa lang ako nagtext sa mga friends ko check operator kaagad. Kung emergency pa yang pang load ko sana po matulungan nyo po ako.

SAGOT: Kahit medyo nakakalito ang message mo, nage-gets ko naman ang problema mo. Marami sa mga nagte-text sa akin ay nagsasabing may natatanggap sila na VAS na hindi naman nila hiningi. At kahit na nagpadala sila ng STOP o ng OFF+whatever ay wala pa ring nangyayari.

Ang depensa ng network providers ay hindi naman sa kanila ang problema dahil ang VAS tulad ng mga tones at picture messages ay napapadala lamang kapag nagrequest ang subscriber mismo. Ang nagiging problema ay iyon ngang pagiging palya ng sistema ng pag-unsubscribe na parang napakahirap.

Hindi sa SIM mo ang problema, madalas kasi ay may natatanggap ka na ka-ayo-ayo na message lalo na kapag nakita mo iyung salitang "FREE" mag-ingat at basahin ng mabuti lahat ng natatanggap na mga message mula sa content providers na siyang nagbebenta ng mga VAS dahil minsan eh isang text mo lang na mali, siguradong sunod-sunod na ang kaltas mo. Ang masakit eh ang mga padala nila ay nag-iintay na ang load mo ay umabot hanggang doon sa kaya nilang makaltasan, hindi sa sinasadya nila iyon pero ganoon talaga ang messaging system na gamit natin, pag nagkaload ang pinadadalhan ay automatic na magre-retrieve siya ng messages mula sa message center. Kaya nagmumukhang inaabangan kayong magload bago kayo "nakawan."

So ang solusyon? Kapag nagpadala sa inyo uli ng VAS, basahin ng mabuti bago sumagot o magtext o ano man. Kung ayaw mo ang offer nila, burahin agad para hindi ka na magkamali ng reply. Kung nakasubscribe ka na at ito iyung VAS na siyang gusto mong itigil, hanapin ang kanyang content title, ito ay naka ALL CAPS madalas at magreply ng STOP at iyung kanyang content title sa number na siyang nagpadala sa iyo (hal: STOP BAKOKANG o kaya ay OFF PEKAS at i reply sa number na nagpadala).

O kaya ay mag text ng STOP ALERT sa 211 kung naka-SMART ka. Kung wala pa rin ay tumawag na sa toll-free customer service number ng iyong network provider at magrequest na tanggalin ang inyong mga subscriptions. Libre naman ang tawag kaya huwag ng magatubili, 24 hours iyan. Kahit busy ay kulitin mo na lang kaysa makaltasan ka ng 15 pesos uli bukas diba.

At sa susunod, basahin kasi ng mabuti ang mga text at huwag basta-basta mag-rereply, hindi lahat ng "FREE" ay libre.

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: I have just read your column about call center! May I know if there is still available for that position? I am undergraduate of AB English. I live here in Zambales! Tnx...

SAGOT: Tulad ng sabi ko dati, aabot ng halos 75,000 na posisyon na sa call center ang napupunuan dito sa Pilipinas. Ang magandang balita ay 75,000 na posisyon muli ang kailangang punuan, at lumalaki ito kada may bagong contact center company na pumapasok sa ating bansa para mag invest. Ngayon, ang problema mo na lang ay walang masyadong mga call center sa Zambales. Punta ka dito sa Maynila, sigurado ako na ang tulad mo na AB English undergraduate ay may magandang pagkakataon para makapasok sa call center.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-064-051108-