EMAIL ANG BAGONG KOREO Ni Relly Carpio
Isa pang magandang gamit ng internet ay ang tinatawag na email. Sa pamamagitan ng email ay maari kang sumulat sa ibang tao ng sulat na kaagad niyang matatanggap kahit nasaan man siya sa mundo basta mayroon siyang tinatawag na email address.
Parang ganito iyan eh: Kapag kumuha ka ng email address parang bumili ka ng address na pwedeng pagdalhan ng sulat ng kahit kanino man sa buong mundo, at ito ay maari mong matanggap kahit kailan mo gusto, kahit saan. Gamit din ang email address na ito, ikaw ay makapagpapadala sa kahit kanino man na mayroong email address.
Basta may address ka na ay okay na, pwede ka nang sulatan. Dati ang pagkakaroon ng email address ang tinatawag na marka ng pagiging netizen (short for citizen of the internet), hindi na uso ang salita na iyon. Anyway, sa gamit ng email na ito ay maari ka ng makipagsulatan sa iyong mga kaibigan at kamaganak kahit na nasaan man kayo sa mundo. Ang maganda pa dito sa email ay halos instantaneous ito, bumilang ka ng sampu makatapos mong ipadala ang sulat ay malaki ang pagkakataon na naandoon na iyung sulat mo sa iyong pinadalhan.
Diba? Hindi tulad ng koreo na inaabot ng linggo. Kung wala pa kayong email, pero may mga kaibigan kayo na mayroon na, ito na siguro ang magandang pagkakataon na matuto ka na hindi lamang ng email, ngunit pati ng internet. Magpaturo ka na sa marunong, o kaya ay pumunta sa isang internet shop at magpaturo sa kanila.
Sa mga first timer ilang payo: hindi lahat ng inyong nakikita sa internet ay totoo. Maraming manloloko na nagsasabi na may napanalunan ka na ganito at ganiyan. Madalas sa hindi mangagancho ang mga iyon. Huwag din basta-bastang ibigay ang email kahit saan at kung kani-kanino. Ipamimigay mo ba ang address mo sa bahay kahit kanino? Hindi diba? Ganun din ang email address. At matutong gumamit ng nickname o alias sa internet. Kasi may mga gago sa internet na kapag nalaman ang pangalan mo ay mahahanap na nila lahat ng tungkol sa inyo at maari pang gamitin ang inyong pangalan sa kung ano.
Ang internet ay parang kahit anong lugar na hindi mo alam. Huwag kang gumala sa mga madidilim na lugar at huwag makikipagkilala sa kung sino-sino. Ok?
-0-0-0-0-0-0-0-
TANONG: Good AM! Paano po malalaman kung kailan ginawa ang cellphone na nabili ko?
SAGOT: Ang bawat cellphone na ginawa ay mayroong IMEI (International Mobile Equipment Identity) number na kasama. Ito ay kasama sa kahon o kaya ay minsan nasa sticker sa loob ng lalagyan ng battery. Kung gusto ninyong malaman ang IMEI ng inyong cellphone ay i-type nyo lang ang *#06# sa inyong cell at lalabas na ang 15 digit IMEI number ninyo. Magandang copyahin ninyo ito at itago dahil ito ang number na hinihingi ng NTC kapag nanakaw ang inyong cellphone para hindi mapakinabangan ng mga magnananakaw ang inyong cellphone. Dahil sa pamamagitan ng IMEI ay pwedeng i-block ang cellphone mula sa lahat ng network providers sa buong mundo.
Kung gusto ninyong malaman ang date of manufacture ng inyong cellphone ay pumunta lamang sa www.numberingplans.com sa internet at hanapin doon ang IMEI number analysis tool. Sa tulong nito, malalaman ninyo hindi lamang kung kailang ginawa ang cellphone ninyo pero kung ito ay na-modify na ng nagbenta sa inyo.
TANONG: Good PM po! Ask ko lang ano ang sira ng cell ko 3315, may lumalabas siya na CONTACT SERVICE than di na siya nago-off pag lumabas na yun kelangan alisin pa battery. Thanks.
SAGOT: Tulad ng lahat ng computer at gadyet na gumagamit ng memory at mga Central Processing Unit ang cellphone ay nagha-hang. Iyun yung parang titigil siya tapos hindi na aandar, titirik baga. May tama na siguro ang cellphone mo. Ang buo ng message na iyan ay: CONTACT SERVICE PROVIDER, in short HELP! SIRA NA AKO. Dalhin sa authorized service center o mapapagkatiwalaan na repair shop dahil either ang cell mo ang sira o ang SIM card.
TANONG: Hi! Good AM. tanong ko lang bakit ang (TV network) panay ang padala ng mga kung anu-ano inistop ko ayaw pa rin tumigil nauubos ang load ko minsan lang ako sumali sa promo ng (TV show) always na nagte-text ano ba ang dapat kong gawin? Please naman paki-sagot, wait ko sa PM bukas ha?! Carmen
SAGOT: Sorry kung ngayon lang kita nasagot Carmen ha? Pero madaming nauna sa iyo eh, alam mo naman, first come first serve diba? Anyway, ang problemang ito ay mula na sa mga Value Added Services Provider (VAS Provider). Kung ayaw matigil ang kanilang padala, kahit na ikaw ay nagpa-stop alert na sa kanila, tumawag ka na sa iyong Network Provider (Globe, Smart o Sun) at ipa-request na ipatigil ang iyong subscription. Dapat ay asikasuhin nila agad iyan, kung hindi ay magfile ka na ng formal complaint. Masisigurado ko sa iyo na hindi na aabot iyon doon. Meron lang kasing mga VAS Providers na minsan ay palapak ang serbisyo, ampanget pa ng logos, pero akala nila ay oks. Pagpasensiyahan mo na hane?
~0~0~0~0~0~0~0~
Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.
-27-