September 08, 2005

CYBERSEX

This summary is not available. Please click here to view the post.

September 07, 2005

UNIT SA TAGLAMIG

UNIT SA TAGLAMIG Ni Relly Carpio

Lamig ng panahon ano? Tsaka ulan ng ulan. Grabe ano? Alam nyo na ba na maliban sa ulan eh tuwang tuwa ang mga electrical equipment ninyo? Ito kasi ang trip nila na panahon. Kapag malamig ay kahit na gaanong katagal sila ginagamit ay cool lang sila, hindi sila maaring mag-overheat. Sige lang sila ng sige.

Ang mga gadyet kasi ay gumagamit ng kuryente, at tulad ng bumbilya ay umiinit sila habang tumatagal. At kung sumobra sila ng init ay malulusaw na lang sila. Kaya kung babasahin ninyo sa manual, sinasabi na huwag iiwanan ang cellphone o kahit na anong gadyet sa ilalim ng araw o sa tabi ng maiinit na bagay tulad ng kalan, TV, kandila, o bulkan.

Siyempre, huwag naman nating iwan sa loob ng refrigerator ang cellphone! Over ka naman! Muli, basta ingatan natin at sundin ang paggamit ng tama sa mga gadyet na sinasabi sa mga manual ay makakaasa kayo na tatagal ito.

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: Good PM po! Ask ko lang po kung gaano katagal ang tinatagal ng cellphone at kung pwede ba siya tumagal ng habangbuhay kung iingatan siya? Thanks po.

SAGOT:Ang masasabi ko ay anim hanggang tatlong taon. Anim na buwan kasi makatapos niyan ay baka magkaproblema na ang batterya, o kaya ay mapapagsawan na kasi may bago na na model sa market. Tatlong taon kasi pagdating ng tatlong taon eh medyo nakaka-apat na palit ka na ng baterya, tatlong keypad at dalawang housing. Siguro naman eh sawa ka na.

Maganda ring magpalit kada tatlong taon kasi by this time, madami nang bagong teknolohiya sa cellphone na baka gusto mong gamitin. Tatlong taon dati, walang WAP, GPRS, MMS, o VMS. Malabo ang mga signal o kaya ay wala. Ngayon, malapit ng magkaroon ng video phone!

TANONG: Good AM po! Tanong ko lang po kung pwedeng i-upgrade o palagyan ng camera ang Nokia 3530 unit ko? Thank you po.

SAGOT: Hindi po. Maski iyung add-on camera ay wala siyang support, ang Nokia 3530 ay entry level MMS phone ng Nokia ng ito ay nirelease noon.

TANONG: Sir, may idea ka ba kung pwedeng lagyan ng FM radio ang Nokia 6600? Jess Crisologo

SAGOT: Hindi rin po. Maski iyung add-on radio ay wala siyang support, ang Nokia 6600 ay pwede mong lagyan ng MP3 music na iyong pwedeng pakinggan mula doon, o kaya ay makinig ka ng streaming internet radio mula sa internet. Pero kung radyo talaga ang habol mo ay hindi pwede ang N6600 para doon.

Mayroon namang mga murang radyo na nabibili diyan na portable sa mga ukay-ukay, pwede na iyon kung talagang gusto mo na may radyo anytime. Mas practical iyon dahil hindi mauubos agad ang charge ng cellphone mo dahil lang sa pakikinig sa radyo.

TANONG: Paano ko malalaman kung sira na ang LCD ko?

SAGOT: Kung ang iyong LCD ay may linya na hindi natatanggal, o kaya may dot na hindi rin nawawala. O kaya ay namamatay ito pero bukas naman iyung cell. Sensitibo ang LCD ng mga cellphone, ito ang isa sa mga unang nasisira pag nababagsak o nadadaganan ang cellphone.

TANONG: Good PM po. Ask ko lang po kung pwedeng lagyan ng video itong 3200. With built in cam lang po ito? Thanks po!

SAGOT: Hindi po, kasi hindi VGA ang camera ng 3200. Pang pictures lang ang kayang i-capture nito.

TANONG: Good AM. Tanung ko lang po kasi walang game yung 3530 ko na cell. Ano po ba ang problema sa cell ko?

SAGOT: Baka po walang kasama talaga iyan ng nabili ninyo, o kaya ay binura ng huling may-ari ang games para magka-space para sa ibang data. Mag download na lang po kayo sa WAP site through GPRS ng games na gusto ninyo.

TANONG: Ask ko lang sir ang unit LG where ko pwede pagawa? Di napupuno charging kahit bago battery. Pag alis sa plug namamatay. Paz from Cainta

SAGOT: Kinontak ko ang PR ng LG at ito ang sagot nila: "You may tell you reader to contact the LG Customer Information Center at 6402525 or send an SMS to LG Text Service at 0917-824-2525 (Globe) and 0920-900-2525 (Smart) to locate the service center nearest her. She may also log on to www.lge.com.ph for more details." Hope that helps.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-029-

September 05, 2005

TRASH TEXT

SPAM, JUNK MAIL, TRASH TEXT Ni Relly Carpio

Pas ds wrd "GOD UR SO NICE!" to 20 of ur frens (including me). If 5 comsbak, ur family wil be safe, if u ignor it 1 of ur luv may die at yr2006 - cenxa n, love ko family ko.

If you love your family you would stop wasting money on stuff like this? Aba'y 20 pesos na load na rin iyan diba? Isang kilong bigas na iyan, o kaya'y isang kain ng batang paslit sa lansangan. At ano? Sasayangin mo sa pag text sa 20 mong kaibigan? Eh paano kung wala siyang 20 na load, eh di parang sinabihan mo na rin siya na mamatayan sa susunod na taon?

Isa pa, sa tingin mo ano ang mas gugustuhin ng diyos (kesa Jehovah, Jesus, Allah o Buddha pa iyan)? Ang waldasin mo pera mo sa text o ibigay iyan sa mga kapwa mo na nangangailangan? At sa tingin mo, kung hindi mo man ipadala iyan sa 20 mong kaibigan at hindi sumagot ang lima sa kanila pabalik sa iyo, papatayin kaya ng Diyos ang isa sa mga kamaganak o kaibigan mo dahil hindi ka nagtext? Ambabaw naman noon diba? Ang dali mo naman maloko tsong! At ang babaw naman ng pananampalataya mo. Sige eksperimento tayo ha, ang hindi magtext sa akin ng limang piso sa Globe Share-a-Load makatapos basahin ito tutubuan ng kulugo!

O naniwala ka naman? Para kang bata na nasabihan ng: Ang mahuli may tae sa pwet! Kitam? Ang tawag diyan sa mga ganyan ay Junk Mail kung sa koreo, Spam kung sa internet, at Trash Text naman sa SMS, or SpamMS. Mula pa sa sinaunang panahon ay mayroon na nito. Kung meron sa inyong nakakaalala noong mauso ang chain letters na kapag hindi ka nagpadala sa mga kaibigan mo ay hindi ka susuwertehin, mamamatayan ka, tutubuan ka ng kulani, o gagahasain ka ng kambing na pilay. Ganoon din itong mga ito, mga sulat na naging text lang pero iyon pa rin ang ginagawa.

Sinasayang ang inyong oraas na imbis na inyong ginagamit para sa ikabubuti ng iyong buhay ay iyung winawaldas sa pag-forward ng mga pawang kasinungalingan at kalokohan. Mapaniwalain kasi tayong mga Pilipino sa mga pamahiin at sumpa kaya andaling makagoyo ng mga junk mail at trash text sa atin.

Ayon sa isang ICT expert ng Trend Micro, ang mga dalubhasa na gumagawa ng anti-virus software para sa mga computer, hindi viruses ang kanilang pinakamalaking pino-problema sa mga darating na panahon. Bagkus ito ang Spamming at Junkmail at Bulk mail na siyang kumakain sa oras ng mga manggagawa sa mga opisina sa buong mundo. Imbis na ang oras ng trabaho ay nagagamit ng lubos ito ay nauubos ng paunti-unti sa kababasa at kabubura lamang ng mga junk mail, Spam at kung anu-ano pa. Malaking halaga ng pera ang nawawala sa mga kumpanya dahil lamang sa spamming. Ito ay napakalaking problema sa productivity na kung inyong titingnan kung kayo ay may email, marami na sa mga ito ay mayroon nang Spam guards o software na tumitingin sa mga email na dumadating sa iyo at tinitingnan kung ito ay lehitimo o kaya ay Spam lamang at ito ay nilalagyan niya ng warning nan ito ay ganoon nga, upang ito ay iyong maiwasan at ng hindi masayang ang iyong oras.

Ganoon din dapat sa text, pero wala pa ang teknolohiya na siyang magsasabi sa iyo na ang text na dumating ay pawang kalokohan lamang. Kaya ayun, nasayang na ang oras mo, nagastusan ka pa ng 20 piso at kapag minalas ka pa at kinulang ang sumagot sa iyo ay mamamatayan ka pa next year kasi hindi mo natanggap ang "GOD UR SO NICE!" ng limang beses. Ay nako! Ang sarap maging Pilipino!

So ayun, payong kaibigan. Hindi ka magiging old maid, mamamatay, magkakaketong, tutubuan ng kulugo, mumultuhin ni Rizal, o gagahasain ng kambing na pilay kung hindi mo papansinin ang mga Trash Text na iyan ok? Isipin mo na lang na sayang ang pera at sayang ang oras na mas mahalaga sa pera. At pag hindi ninyo binasa ang susunod kong column ay di lalampas ang limang araw na mauutot kayo sa harap ng crush nyo! Bwahahahaha!

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: Ano po ang ginagawa sa aking cel ng aking pinsan? Bakit po di makapagsend kahit na may load, ang lumalabas lang message sending failed?

SAGOT: Ginagalaw ng insan mo ang message setup ng iyong cell. Pinakamadali ay ang ibahin o burahin ang message center number na siyang pinagpapadalhan at pinagkukuhanan ng lahat ng text mula sa mga cellphone. Bawat Network Provider ay may sariling mga message center numbers. Pagsabihan mo ang pasaway na pinsan mo, kapag may nabago siya sa setup na hindi niyan intindi ay baka kailanganin niyo pang dalhin sa service center iyan para magkatext muli.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-28-