July 20, 2005

PAGKUHA NG TRABAHO SA CALL CENTER

Pagkuha ng Trabaho sa Call Center Ni Relly Carpio

Mabuhay! Nung isang araw ay may nagtanong sa akin na reader. Ano daw ang age limit sa call center. Ang sagot ko sa kanya ay ang bayaw ko ay 48 years old, pero nasa call center. Ang call center ay isang tinatawag na equal opportunity workplace. Wala itong pinipili na sex, age, o status: Talagang masasabing bata-matanda, may ngipin o wala. Basta malakas ang loob mo, pwede ka sa callcenter.

Hindi rason na mahina ka sa ingles kasi may training naman sa mga call center kung paano makipag-usap ng ingles sa mga caller. May kaibigan ako na mas baku-bako pa ang ingles kaysa sa mukha ni Ong pero nakapasok.

Kaya nang nag text muli sa akin ang same reader na humihingi ng tulong para makapasok sa call center, ang sabi ko, kaunting tiyaga naman, kaunting sikap mula sa kanya...mag-apply naman muna ikaw. Diba teng? Sabi nga ni Kristo bumili ka naman ng ticket muna bago kita papanalunin sa Swipistik!

Q: Ask ko lang po kung may alam kayong hiring ng data encoder? Louie Valdez Graduate of Computer Technology 27 Y.O.

Sumangguni sa Jobstreet.com o kaya ay tingnan ang classified ads ng PM, PSN at ng Philippine Star. Ayaw mong mag call center?

Q: hi hello po jobs info lng po about call center company & how get a job there even i dont have the ability. Romeo Ambe by E-mail

Anong wala kang ability eh ayan at ingles ka ng ingles? Patawa ka naman eh. Joke lang Romeo! Eniwey, sa ngayon ay dapat mong malaman na ang pagpasok sa isang call center ay test di lamang sa iyong abilidad na makatanda ng madaming mga facts and figures, pero ang pinakaimportante ay ang iyong kapabilidad na makipag-usap kanino man, kahit na foreigner.

Tuturuan ka naman ng iyong mapapasukan na call center sa pamamagitan ng kanilang training, pero talagang nasa confidence level mo iyan o bilib mo sa iyong sarili, kapag nakita ng recruiters na wala kang lakas ng loob eh hindi ka na nila pagaaksayan ng panahon na ikaw ay idaan sa training. Bakit ka pa ida-daan sa training kung masasayang lang ang gagastusin nila sa iyo. Ang maganda kasi sa call center eh kahit nasa training ka pa lang eh sumusuweldo ka na ng mahina ang 12 mil kada buwan. Di na masama diba?

Sa company naman na papasukan, subukan mo muna sa People Support at Convergys. Try mo sa kanila dahil sila ang pinakamalaki, at kahit madami ang nag-aaply sa kanila ay mas open sila for training. Marami pa diyan na mas maliit pero oks na din.

Tandaan mo lang na ang sikreto ay lakas ng loob. Sa pag-apply mo, buo dapat ang loob mo, kita dapat agad ito. Wag kang mahiya...trabaho iyan...marangal na trabaho...good luck. Pinoy ka! May agimat ang dugo mo.

~0~0~0~0~0~0~0~

Q: Bakit nagheheadset ang cellphone ko palagi po. May sira po ba? 8210 po ang cell ko. Pwede po ba akong turuan kung paano maalis ang headset sa cellphone ko? -Jeny Cainta Rizal

A: Mahirap na idaan ko sa aking column ang step by step niyan, pinakamaganda ay tingnan ang iyong manual ng cellphone para malaman kung paano. (Kaso ang sabi ni Jeny ay naitapon na raw niya ang kanyang manual...Moral lesson: huwag itatapon ang mga manual ng electronic equipment) Kaya ang solusyon, maghanap ng marunong makialam sa setup ng cellphone at ipaayos.

Q: Pwede po ba malaman kung saan ang address ng shop nyo? Reply please. Paturo lang sana ko kung paano gumamit ng e-mail, cellphone ko ay t290i. Paano po ba gamitin ito?

A: Wala kaming shop dito sa Team Walastech! sa mga IT companies po kami nagsisipagtrabaho at mga IT Journalists. Ang aming mga sources ng information ay ang mga major IT companies. Siguro ang ibig sabihin mo ay ang email function ng Sony Ericsson T290i at paano gamitin ito. Pumunta sa inyong network provider at ipa-activate ang email connection ng inyong cellphone, kung wala ito ay hindi iyan gagana. Also maganda kung magpaturo kayo sa kanila kung aling mga e-mail functions ang pwede sa inyong phone. Ang phone based email ay hindi namin nirerekomenda dahil masyadong maliit ang capacity nito.

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column.