Ayon sa isang press release, ang Megalink ay gagamit na ng mas makabagong application para mas gumanda pa lalo ang kanilang serbisyo sa mga gumagamit ng kanilang ATM network.
Ito ay ang iSwitch mula sa kumpanyang Interblocks. Ayon kay Benjamin P. Castillo, President at CEO ng MegaLink, sila ay lilipat sa iSwitch dahil hahayaan ng bagong sistema na ito na sila ay maging maagap sa pagbibigay ng mas madami pang delivery channels, bagong mga koneksiyon at mga makabagong produkto, at mas maayos na operasyon na hindi kakayanin ng kanilang dating sistema. Ito ay magaganap na sa 2010.
Nakakatuwang isipin na ang 2010 din ang magiging ika 20 taong anibersaryo ng MegaLink. Naalala ko noon kung gaanong kahirap na makahanap ng paraan na makakuha ng pera pag nagsara na ang banko. Pero sa pagkakaroon ng ATM machines na siya ring kumalat at ngayon ay halos wala ng lugar kung saan hindi ka makakakita ng ATM machine ay napakadali nang magbanking kahit na saan at kahit na anumang oras.
Magandang balita ito para sa ating mga gumagamit ng MegaLink. Happy Anniversary sa MegaLink sa kanilang ika-20 na taon.
Heto ang mga detalye ng upgrade halaw mula sa press release:
MegaLink taps Interblocks for new core switch application
MegaLink, the pioneer in shared ATM services, is moving to an improved switch solution called iSwitch from Interblocks, a leading provider of integrated, electronic payment processing solutions for banks and financial institutions.
MegaLink will avail of the wide variety of features on Interblocks’ iSwitch application to provide both basic transaction processes and value-added services. The project is targeted for completion early next year, as MegaLink will mark 20 years in 2010 with an array of new services.
“MegaLink decided to migrate to iSwitch as the system will provide us with the agility to provide additional delivery channels, new connections and innovative products as well as operational enhancements not readily available in our old system,” said Benjamin P. Castillo, MegaLink President and CEO.
Aside from regular shared ATM services, MegaLink will provide ATM switch outsourcing services, where banks and non-banks can perform ATM switch services without acquiring their own system and equipment. This will allow more banks, and even non-banks to operate at significantly lower costs through a MegaLink-provided switch.
MegaLink will also introduce airtime loading services through ATMs in a recently announced partnership with SMART Communications and Globe Telecoms. Mobile phone users of either network operator will be able to do airtime loads via MegaLink ATMs.
“By the end of the first quarter of 2010, MegaLink through its new switch will migrate to the enhanced Mobile Banking System of SMART. With the enhanced Mobile Banking Engine, we can also connect existing MegaLink members who have yet to avail of the facility.
Subsequently, MegaLink will also provide our members with facilities to issue pre-paid cards through iSwitch, offer cross-border ATM transactions, and much, much more,” added Castillo.
iSwitch is among Interblocks’ leading solution offerings for driving financial transactions across the widest variety of customer touch points.. The company has a broad range of solutions in service delivery, payments, cards, virtual banking and mobile commerce. It has some 250 projects completed across 11 countries.
When iSwitch is implemented, MegaLink also expects to handle larger volumes of transactions at a higher efficiency. MegaLink currently has a network of 19 members covering nearly 9.8 million cardholders and more than 2,500 ATM terminals.
December 04, 2009
December 02, 2009
ONLINE PETITION PO
Paki basa na lang po, at kung kayo ay naniniwala sa aking adhikain, paki lagdaan na lang po. Salamat sa inyo.
Strike against Impunity, Strike for Peace and Democracy Petition

December 01, 2009
MALAYBALAY TUMAGGAP NG AWARD
Ang gobyernong panglokal ng Malaybalay sa Bukidnon ay naging isa sa labing apat na napili na magawaran ng parangal na Galing Pook 2009 mula sa Galing Pook Foundation.
Ang Galing Pook Foundation ay parte ng isang global network ng mga awards para sa lokal na namamahala kasama ang US, Mexico, China, East Africa, South Africa at South America. Kadalasan ay sampu lang ang napipiling programa na siyang nagagawaran pero ayon sa National Selection Committee chair Prof. Solita Monsod, and 2009 ay naging isang kapitapitagang taon para sa mabuting pamamahala.
Dahil sa Malaybalay Integrated Survey System o M.I.S.S. ay napili ang pamahalaang panglungsod ng Malaybalay. Ito lang ang nagiisa sa lahat ng nagawaran na may kinalaman sa information technology o I.T. Ginamit nito ang I.T. bilang isang epektibong kagamitan sa community development at action planning.
Ang Planning and Development Office ng Malaybalay ang siyang may gawa ng M.I.S.S. para maisaayos ang mga hindi pagkakatugma sa pangangalap ng datos at sa mga panglungsod na survey. Ito ay ginaya mula sa Community Based Monitoring System ng Department of Local Government. Ang survey ay may 231 na katanungan na sakop ang lahat ng pangangailangan sa impormasyon ng iba't ibang departamento.
Ang data processing program na ito ay dinevelop ng in-house programmers ng panglungsod na pamahalaan. Halos 420 Barangay Health Workers (BHW) at mga komadrona ang inatasan na matutunan ang data processing program at gumamit ng mga computer na ikinalat sa 46 na barangay. Halos 98% ng mga BHW ang hindi marunong gumamit ng computer nung nagsimula ang programa pero madali naman silang natuto.
Inako ng lokal na gobyerno ang kanilang pagsasanay, tirahan at mga pangangailangan habang ang barangay ang siyang kumalinga sa kanilang transportasyon.
Kasama sa survey ang lahat ng residente ng siyudad, para makakuha ng basic demographics at profiles ng mga kabahayan. Ang data na nakuha sa survey ay nakatulong para makagawa ng development plans para sa 46 na barangay. Nagbigay ang survey ng mas maayos na lagay ng mga taga lungsod at ng kanilang mga pangangailangan na siyang naging batayan ng development at action planning.
Ang M.I.S.S. program ay gender-responsive. Ibig sabihin ay ang planning at budgeting process ay naging mas gender fair o mas sensitibo sa pangangailangn ng mga kababaihan, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga programa at kaganapan na magpapaganda ng estado ng mga kababaihan sa mga pook.
Lima sa mga nagawaran ay mula sa Mindanao, dalawa mula sa Visayas at pito mula sa Luzon. Ang mga nanalong programa ay iba't iba, mula environmental management, health services, peace and conflict resolution at social services. Mula barangay, municipalidad, lungsod at probinsiya, ang bawat isa ay masugid na pinagaralan para sa innovation, positive results, transferability at sustainability, people’s participation, at efficiency.
“We have often heard of aspirations for more excellence in local governments. We wished not just for islands but for an entire archipelago of good governance. This year’s awardees are a proud addition to our growing contingent of outstanding LGUs,” sabi ni Rafael Coscolluela, Galing Pook Foundation chairperson.
Ang ibang Galing Pook 2009 awardees ay ang Barangay Luz, Cebu City; Sarangani Province; Marikina City; Taguig City; Midsayap, Cotabato; Quezon City; Bayawan City; Surallah, South Cotabato; Makati City; Barangay Barobo, Valencia City; Tabuk, Kalinga; Bulacan Province; and Paranaque City.
Ang Galing Pook awarding ceremony para sa mga kapitapitagan na LGUs na ito ay gaganapin sa MalacaƱan Palace sa December 3, 2009.

Subscribe to:
Posts (Atom)