Ang gobyernong panglokal ng Malaybalay sa Bukidnon ay naging isa sa labing apat na napili na magawaran ng parangal na Galing Pook 2009 mula sa Galing Pook Foundation.
Ang Galing Pook Foundation ay parte ng isang global network ng mga awards para sa lokal na namamahala kasama ang US, Mexico, China, East Africa, South Africa at South America. Kadalasan ay sampu lang ang napipiling programa na siyang nagagawaran pero ayon sa National Selection Committee chair Prof. Solita Monsod, and 2009 ay naging isang kapitapitagang taon para sa mabuting pamamahala.
Dahil sa Malaybalay Integrated Survey System o M.I.S.S. ay napili ang pamahalaang panglungsod ng Malaybalay. Ito lang ang nagiisa sa lahat ng nagawaran na may kinalaman sa information technology o I.T. Ginamit nito ang I.T. bilang isang epektibong kagamitan sa community development at action planning.
Ang Planning and Development Office ng Malaybalay ang siyang may gawa ng M.I.S.S. para maisaayos ang mga hindi pagkakatugma sa pangangalap ng datos at sa mga panglungsod na survey. Ito ay ginaya mula sa Community Based Monitoring System ng Department of Local Government. Ang survey ay may 231 na katanungan na sakop ang lahat ng pangangailangan sa impormasyon ng iba't ibang departamento.
Ang data processing program na ito ay dinevelop ng in-house programmers ng panglungsod na pamahalaan. Halos 420 Barangay Health Workers (BHW) at mga komadrona ang inatasan na matutunan ang data processing program at gumamit ng mga computer na ikinalat sa 46 na barangay. Halos 98% ng mga BHW ang hindi marunong gumamit ng computer nung nagsimula ang programa pero madali naman silang natuto.
Inako ng lokal na gobyerno ang kanilang pagsasanay, tirahan at mga pangangailangan habang ang barangay ang siyang kumalinga sa kanilang transportasyon.
Kasama sa survey ang lahat ng residente ng siyudad, para makakuha ng basic demographics at profiles ng mga kabahayan. Ang data na nakuha sa survey ay nakatulong para makagawa ng development plans para sa 46 na barangay. Nagbigay ang survey ng mas maayos na lagay ng mga taga lungsod at ng kanilang mga pangangailangan na siyang naging batayan ng development at action planning.
Ang M.I.S.S. program ay gender-responsive. Ibig sabihin ay ang planning at budgeting process ay naging mas gender fair o mas sensitibo sa pangangailangn ng mga kababaihan, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga programa at kaganapan na magpapaganda ng estado ng mga kababaihan sa mga pook.
Lima sa mga nagawaran ay mula sa Mindanao, dalawa mula sa Visayas at pito mula sa Luzon. Ang mga nanalong programa ay iba't iba, mula environmental management, health services, peace and conflict resolution at social services. Mula barangay, municipalidad, lungsod at probinsiya, ang bawat isa ay masugid na pinagaralan para sa innovation, positive results, transferability at sustainability, people’s participation, at efficiency.
“We have often heard of aspirations for more excellence in local governments. We wished not just for islands but for an entire archipelago of good governance. This year’s awardees are a proud addition to our growing contingent of outstanding LGUs,” sabi ni Rafael Coscolluela, Galing Pook Foundation chairperson.
Ang ibang Galing Pook 2009 awardees ay ang Barangay Luz, Cebu City; Sarangani Province; Marikina City; Taguig City; Midsayap, Cotabato; Quezon City; Bayawan City; Surallah, South Cotabato; Makati City; Barangay Barobo, Valencia City; Tabuk, Kalinga; Bulacan Province; and Paranaque City.
Ang Galing Pook awarding ceremony para sa mga kapitapitagan na LGUs na ito ay gaganapin sa MalacaƱan Palace sa December 3, 2009.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment