August 28, 2005

GUMAMIT NG INTERNET

MATUTONG GUMAMIT NG INTERNET Ni Relly Carpio

Totoo na hindi lahat ng tao ay nangangailangan ng gumamit ng internet. Pero maaring sabihin na ang internet ay meron para sa lahat. Ang internet ay ang international o pandaigdigna na network o pagsasama-sama ng milyon-milyong computer sa buong mundo. Isipin ninyo, lahat ng karunungan at teknolohiya ng lahat ng computer na iyon at ng mga tao na naandoon sa network na iyon ay inyong maaring malaman at magamit. Madami sa mga kasagutan ko sa inyo ay halaw ko mula sa internet o kaya ay nakukuha ko mula sa mga eksperto sa pamamagitan ng internet.

Ang internet ay nagsimula bilang eksperimentong militar noong panahon ng coldwar. Ito ay isang information network na hindi kayang pabagsakin ng nuclear attack dahil walang isang sentro na maaring burahin. Sa ngayon ay tinatayang mga 13 sentro ng impormasyon ang Internet na nakakalat sa buong mundo. Itong centers na ito ang siyang diandaanan ng lahat ng gumagamit ng internet. Ito ay pinapatakbo ng mga pinakamagagaling na utak ng mundo sa larangan ng teknolohiya na saklaw ng internet.

Ang internet ay libre. Ang binabayaran ng mga gumagamit ay ang paggamit ng mga cable at ng kuryente upangn ito ay makarating sa inyong computer. Pero ang paggamit ng itnernet mismo ay libre. Lahat ng impormasyon na iyon libre. Diba? Isipin niyo na lang lahat ng impormasyon ng buong mundo. Siguro naman may makukuha kayo na magagamit doon. Maraming mga estudyante ang gumagamit ng internet ngayon para sa kanilang mga research paper at mga assignments.

At bakit nga naman hindi, eh sa pamamagitan ng search engine ay madaling makita ang mga datos na kailangan nila para magawa agad ang kanilang mga assignment! Ang search engine ay isang software o program na ang trabaho ay ang hanapin ang datos na kailangan mo ng madalian at ito ay ihanay-hanay para madali mong masilip at makita ang inyong hinahanap.

Kung ikaw ay isang negosyante, ang internet ay isang magandang source din ng impormasyon tungkol sa iyong business. Aba, siguro naman eh hindi lang ikaw ang tinapa vendor sa buong mundo ano? Malay mo may matutunan ka na bago mula sa mga dried and smoked fish manufacturers mula sa Inglatera? Lahat naman iyan eh nakabase sa iyung pagnanais na matuto eh. Yun nga lang, kung dati ay kinakailangan mo pang pumunta sa DOST para makakuha ng teknolohiyang makabago para sa iyong negosyo ay sa pamamagitan ng internet ay kahit na sa loob lamang ng iyong bahay ay makapagsasaliksik ka na.

-0-0-0-0-0-0-0-

Pero tulad sa lahat ng impormasyon, hindi lahat ng inyogn makukuha ay totoo, kaya importante rin na matuto na kumuha lamang ng karunungan mula sa mga mapapagkatiwalaan na websites. Ang website ang siyang mga pahina ng impormasyon sa internet. Hindi lahat ng sources o pahina ay mapapagkatiwalan. Meron din naman kasing mga gago sa internet, tulad sa totoong buhay. Siguro ang pinakamaganda ay siguraduhin kahit na anong impormasyon ang kunin sa internet. Ikalawang palagay ika nga.

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: Hello Sir. Ask ko lang po kung ano ang sira ng cellphone ko? Minsan kasi pag nagte-text ako nag-o-off bigla ang cellphone ko kahit na full battery pa. Nakakainis kasi pag i-open erase na yung message ko, uulit na naman - Bamboy Bugli

SAGOT: Kahit na full charge na ang battery hindi ibig sabihin nito na marami ang charge, ang ibig sabihin lang ay puno na. Ang battery ng cellphone habang tumatagal ay lumiliit ang nahahawakan na charge. Kapagdaka ay hanggang ilang minuto na charge na lamang mula sa halos 200 oras. Ang common na buhay ng battery ay anim na buwan. makatapos noon ay magsisimula na itong magdeteriorate o sumablay. Magpalit ka na ng battery, buy original.

TANONG:Pag bago ba ang battery ang starting ba ng bar isa kagad bago umandar ang bar? O sa nagcha-charging ang starting wala pa bar?

SAGOT: Ang tawag diyan ay factory charge. minsan ay isang buong bar iyan o kaya ay walang bar, pero diyan talaga simula niyan. Ang importante ay ang pag unang charge na nakasaad sa manual ay sundin ng mabuti, kasi iyan ang magdi-dikta kung gaano kaganda ang performance ng inyong baterya for its life.

TANONG: Gud AM! Nasisira po ba ang cellphone or battery kapag nagtext or tumatawag habang nakacharge ang cellphone?

SAGOT: Kung NiCD ang inyong battery oo, pero kung NiMH or Li-Ion hindi. Tingnan sa batterya kung anong klase siyang battery.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

No comments:

Post a Comment