WALASTECH 065 - 051110 THE BEST MP3 PLAYERS Ni Relly Carpio
TANONG: May binebentang mp3 player yung portable po 1 GB ung size? May alam po ba kayong binebentang NOKIA N-GAGE na unit? Ung QD po? Thanks, more power to your column, more power to WALASTECH. allen of montalban
SAGOT: Nung una kong binasa itong tanong mo medyo natawa ako kasi sabi mo "MP3 player, iyung portable." Ang alam ko kasi lahat ng MP3 player eh portable, napaisip tuloy ako kung bakit mo sinabi iyon. Bigla kong naalala na hindi lahat ng tao ay nakakaalam tungkol sa mga MP3 player, na kahit na medyo mula 1997 ay pinaglalaruan ko na ang audio format na ito ay ngayon lang nauuso na maging commercially available ang mga MP3 player. Lalo na ng nilabas ng Apple ang kanilang napakasikat na iPod na siyang number one MP3 player sa buong mundo.
Ngayon sabi mo nga na gusto mo ng magandang MP3 player, Kung ako ang tatanungin, ang top three brands na pwede mong tingnan ay ang Apple, tapos ay ang Creative at huli ang I-River. Totoo marami pang ibang brands diyan, lalo na ngayong na usong-uso iyung mga generic at taiwan alternative MP3 players sa market. Pero sa tingin ko, kung ang magiging basehan ay ganda ng tunog, tibay, at warranty service, itong tatlong ito ay masasabing mga leader, at ang presyo nila ay tama lamang. May mas mura diyan pero gaano kayo kasigurado na tatagal ang mga iyan?
Ang mga basic 1 GB o gigabyte na MP3 player ay dapat nasa below 9000 pesos range. Kung kaya mong maglabas pa ng kaunti, suggestion ko ang kumuha ka ng iPod Nano, iyung bagong labas ng Apple na nasa 12800 lang pero 2 GB na siya, enough for 500 songs. Value for money siya at maganda ang mga nakuha niya na reviews.
Ang NOKIA N-GAGE QD na hinahanap mo ay dapat mong bilhin sa mga shop ng Nokia mismo o sa mga network providers dahil madalas ay may kasama siya na dagdag kumpara mula sa mga stalls o sa greymarket.
TANONG: Saan po ba makakakita ng colored na cell, yung mura lang, thanks po and more powers. Jay of PCG
SAGOT: Swerte mo naman, intay ka lang ng kaunti, dahil magpapasko na naman at siguradong magkakaroon ng bagsak presyong offer ang mga network providers, sigurado ako na mayroong colored na cellphone diyan na may EMS/MMS/GPRS na below 3500 brand new dahil may nakita na ako at nakabili na ako para kay misis. Check out the Motorola Shops sa mga mall for affordable MMS phones.
TANONG: Pwede po bang maopen ang SIM ko na ngayun na PUK at rejected, may paraan po ba? Thank you po! Nag-inquire na ako noon dito sa aming lugar kaso kailangan daw yung white paper, eh nawala na kasi. Dito ako sa Southern Leyte at medyo no customer service center dito.
SAGOT: Malas mo naman. Maging lesson learned sana ito di lamang sa iyo pero sa lahat ng gumagamit ng cellphone. Huwag mong iwawala ang PUK unlock code mo na matatagpuan sa isang puting pirasong papel na kasama ng lahat ng prepaid na SIM. Just in case na ma-SIM lock mo ang sarili mo. May kopya ang mga network providers nito, pero may panahon bago nila ito mahanap at maibigay sa iyo, siguradong mapeperwisyo ka.
At sa iyo naman kung hindi mo maintay iyung PUK unlock code mo mula sa customer service center, bumili ka na lang ng bagong SIM. Tumawag ka na lang sa kanila para humingi ng tulong, hindi naman ata kailangan na personal ka pumunta eh, pero baka hingan ka ng mga documento bago ka nila tulungan. Goodluck.
-0-0-0-0-0-0-0-
ANNOUNCEMENT: "BATCH '81 IS BACK!" No, not the Mike De Leon film classic. It's the Malate Catholic School High School Batch 81. We're looking for a few good men and a truckload of great memories from an era when cellphones, personal computers and the internet are ideas whose time have yet to come.
On February 11, 2006, MCS Batch 81 will be celebrating its Silver Jubilee Grand Homecoming at the MCS Gymnasium. If you belong to this group, please contact Mr. Jong Ferma at 09175347098 or Mr. Oscar Berico at 09172488385 for more details. Please feel Free to join our mailing list at http://groups.yahoo.com/group/MCSbatch81/. We hope you can join us."
~0~0~0~0~0~0~0~
Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.
-065-051110-
No comments:
Post a Comment