February 08, 2006

WALASTECH 066-051112 BAGONG PHONES NG ASUS

WALASTECH 066-051112 BAGONG PHONES NG ASUS Ni Relly Carpio

Sa mga nagtatanong tungkol sa mura pero maraming function na cellphones, naglabas kamakailan ang ASUS ng tatlong bagong cellphones. Ang ASUS ay isa sa pinakamalaking computer companies sa mundo kaya alam nila ginagawa nila pagdating sa mga gadget at tech. Sinama ko na rin ang presyo sa inyong mga nagtanong last time kung bakit hindi ko sinama iyung presyo ng mga bagong cellphones.

Ang tatlong ito ay ang: ASUS V66 na ang focus ay bilang isang phone na pwede mong gamitin para makagawa ng sariling mga MTV. Oo, MTV as in music videos dahil may program siya na pwedeng pagsamahin ang pictures at music. Obviously may MP3 player, camera at FM stereo ang phone na ito. SRP: PhP9,900

Ang ASUS M303 na isang mp3 player phone with 1.3 mega pixel camera with flash na clamshell ang design. Pero lahat ng controls ng MP3 player ay nasa cover kaya di na kailangang buksan para magpatugtog. May third speaker din siya. Bilang special offer may libreng miniSD card (worth PhP1,300) ang mga unang units nito. SRP: PhP14,800 napakamura para sa isang phone na tulad nito.

At ang ASUS P505 na dual processor PDA phone. Oo, sa mga executives diyan, dalawa processor nito, isa para sa phone functions, isa sa PDA. Galing diba? Kung kilala niyo ASUS at ang kanilang mga laptops, sa presyo nito na SRP: PhP34,900 para mo na ring ninakaw ito. At! Hindi pa tapos; andaming extrang accessories na kasama nito bilang special offer nila, extra battery, leather case, etc. (worth PhP4,990).

-0-0-0-0-0-0-0-

TANONG: Bakit po ganun ung SMART? Nagpaload me ng 30, nagtext me ng 3 beses, ang natira na lang e 12 pesos. Ngayun lang nangyari sa akin ito. Bakit po ganun ang SMART? Magnanakaw ng load. Kawawa naman kami na subscriber nila. Sana po ay karmahin sila. Salamat po. Jun of Cavite

SAGOT: Sakit mo namang magsalita, makarma sila? Okay inisip ko kung paano nangyari iyung nangyari sa iyo, ito lang ang nakikita ko na rason: Sa tatlong tinext mo, isa sa kanila ay nasa overseas o nakaroaming service. Okay? 2 pesos (local text) plus 15 pesos (international text) = 17 pesos diba? Minus sa 30 equals 13. Ngayon asan iyung piso? Diba nagcheck ka ng load? Piso. Hindi SMART ang may kasalanan.

TANONG: May text barring ba ang SMART dahil po may naghihiram ng CP tapos nagpapasaload pala. Sana itext nyo po sa akin sagot. Ty.

SAGOT: Walang text barring services ang SMART o ang kahit na sino man sa mga network providers. Merong iyung pwede kang magcomplain sa NTC para mapadeactivate ang number at SIM ng isang nangha-harass sa iyo o kaya ay mayroong mga phones na pwede mong i-bar ang mga tawag na wala sa iyong phonebook, pere walang bar list para sa SMS sa mga local network providers. May napakadaling solusyon sa iyong problema...sabay-sabay po tayong lahat: Huwag mong pahiramin!

Iyan ang pinagkaiba ng PasaLoad ng SMART at ng Share-a-Load ng GLOBE. May password/passcode ang sa GLOBE na kapag hindi alam ng nakikitext ay hindi siya basta pwedeng magnakaw ng load.

TANONG: Ang isang cell ay naka locked tapos biglang na e-off ngayon pag e-on mo ay mag on-and-off na ito, sira na ba ang cell?

SAGOT: Hmmm, sa tingin mo? Hindi sa nang-aasar ako ha, pero, dahil nga ang habol ng WALASTECH ay ang maging marunong lahat ng Pinoy sa teknolohiya dapat paminsan-minsan ay i-challenge ko naman kayo diba? Eto hint: sa tanong mo, palitan mo ng salitang TV ang cell...gets mo? Good! Sa tingin mo sira o hindi? Sa tingin mo dapat mong dalhin sa trusted technician o sa authorized repair center ang cell mo para patingnan ang battery at power connectors o hindi?

TANONG: Paano po maiiopen yung GPRS para makatanggap ng MMS?

SAGOT: Depende po sa network provider ninyo. Kung sa SMART ay inyong kailangang magtext para sa activation, kung sa GLOBE ay kailangang ipa-configure niyo pa. Para sigurado ay dalhin ang inyong cellphone sa customer service center ng inyong network at sa kanila ipa-configure at ipa-activate. Ipa-activate niyo na rin ang MMS ninyo.

Siguraduhing may load kayo bago ito gawin dahil kailangang magsend ng test MMS at para makapagsurf ng GPRS site ay kailangan din ng minimum load.

-0-0-0-0-0-0-0-

TRABAHO: Ang New Horizons International ay naghahanap ng call center agents na mapupunuan ang mga sumusunod na requirements:

- Strong Self Confidence - Aggressive - Excellent written and spoken English - College Graduate in any field - Excellent customer service and selling skills - Prior call center experience is an advantage - Willing to work Graveyard shifts - Fresh graduates are encouraged to apply

Ipadala ang inyong mga resumes sa Lramos@newhorizonsinternational.com o sa kreyes@newhorizonsinternational.com. Para sa mga katanungan, pwede silang tawagan sa 9162536 mula 9am hanggang 12 nn. Hanapin si Lui o si Tin. Ang office nila ay nasa 33rd flr., Raffles bldg., Emerald Ave., Ortigas Center, Pasig City.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers, at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-066-051112-

No comments:

Post a Comment