CELLPHONE OPEN CODES Ni Relly Carpio
"PWEDE po bang mahingi ang cellphone open codes at international codes Mr. Tech?"
Hinde. Kasi illegal ang gamitin ang mga iyon. Ito ang sinasabi ko palagi sa mga texter at dito sa column na: magpaayos sa authorized service centers. Dahil sila lang ang may legal authority para gumamit ng mga cellphone open codes at ng international codes.
Ang cellphone open codes ang mga programming numbers na nag-oopen ng mga cellphone para gumamit ng kahit anong network. Ito ay confidential property ng mga cellphone manufacturers at kanilang binibigay lamang sa mga kanilang repair centers. Ang international codes naman ay ang mga numbers na binibigay ng mga network providers para mapasok ng isang cellphone ang kanilang network.
Ang masakit ay kahit na anong higpit ng security ng mga network providers at ng manufacturers ay mayroon pa ring nakakakuha ng mga codes na ito sa pamamagitan ng black market o sa pamamagitan ng hacker sites sa internet. Illegal ang gumamit ng mga numbers na ito ng walang pahintulot sa mga kinauukulan. Kaya hindi, hindi ko alam ang mga ito at kung alam ko man ay hindi ko ipamimigay.
-0-0-0-0-0-0-0-
TANONG: Ano po ang diperensiya pag ang LCD may continuous horizontal blank line? Ang unit ko ay Nokia 3310. Ty. Nice Job! Jason ng Mand.
SAGOT: Malaki ang tsansa na basag na ang LCD mo. Ang horizontal blank line na iyan ay indikasyon na may parte ng LCD mo na hindi na nakakatanggap ng electronic signal mula sa graphics chip ng cellphone na nagpapagana dito.
Ang ibig sabihin ng LCD ay Liquid Crystal Display. Mayroon itong crystals na nakaipit sa gitna ng dalawang plate ng salamin na kapag nalusaw ay nagkukulay itim, at kung solid ay walang kulay. Gamit ang maliit na bugso ng kuryente ay tinutunaw ng graphics chip ang parte-parte ng LCD para magkaroon ng mga image sa screen. Iba pa ito sa mga color LCD na mas kumplikado ang operation.
Kapag nabasag o nadamage ang connector ng chip at ng LCD o nabasag mismo ang LCD at kumalat na ang crystal ay hindi na ito gagana. Dapat pag ganyan ay papalitan niyo na dahil parang lamat iyan na pagtagal ay itutuloy na ang sira ng LCD. Unfortunately, hindi na pinagaaksayahan ang LCD, kapag nagkasira ay palit na lang ang buong module, kaya madalas, mahal ang masira ang LCD. Ingatan ito.
TANONG: Paano po at saan ise-send ang STOP alert dahil laging nagsend ang SMART eh nauubos na load ko. Txtbak po and more power.
SAGOT: Ipadala ang STOP sa 211. Kung ito ay hindi umubra, tumawag na sa *888 at kumausap na ng customer service representative ng SMART. Libre po ang tawag na ito pag gamit ang SMART/ADDICT/TALK N' TEXT na SIM.
TANONG: Kakabili ko lang ng SIM at pinaopenline ko iyung cellphone ko at nilagay ang SIM na TM. Hindi nag-function. Pag ang SIM na SMART okey naman? Sinubukan ko sa iba cellphone oke naman. Ano ang sira ng cellphone ko?
SAGOT: Niloko ka ng pinagpa-openline mo, kasi hindi pa openline ang cell mo. Ibalik at ipaopen talaga, ipatesting sa harap mo. Kung ayaw niya, o kaya ay humingi ng panibagong bayad, sabihin mo okey, tapos tumawag ka na ng pulis. Ipakulong mo ang asoge, sabihin mo pag nagbago na siya ng isip, tsaka mo lang ipa-o-openline ang kulungan niya okey?
Danang napagusapan na ang openline ay magbabanggit na ako tungkol diyan. Ang pag-openline ang pinakamabilis na pagtanggal ng warranty ng iyong cellphone. Bakit ka pa ba nagpapa-openline? Lahat naman ng network eh nakakapag-usap at text sa isa't-isa, pare-pareho naman ang presyo nila? Maliban lang sa mga ibang mga promotional marketing services tulad ng 24/7 at ng Piso Call at kung anu-ano pa eh ganoon din naman iyon. Isipin mo na lang kung magkano gagastusin mo sa pag-openline tapos kapag nasira cellphone mo kakabukas-sara magkano pa uli?
Ang rason lang para magpa-openline ay kung may nagpadala sa iyo ng cellphone na galing sa ibang bansa na locked sa isang network. Madalas naman ay openline na ang mga cellphone na galing sa ibang bansa. Pero muli, sa mura ng cellphones dito sa atin, bakit ka pa magpapasakit ng ulo na magpa-openline? Magpadala ka na lang ng pera at dito ka bumili ng unit mula sa isang network na gusto mo. Mas okey iyon, kahit na ano pa sabihin mo, sa pangmatagalan mas makakamura ka.
-0-0-0-0-0-0-0-
Belated Happy Birthday kay Rachel Ybanez ng Marikina, Aidz Briones ng Cainta, Len Trance ng Perceptions, at kay Aileen Murillo ng MCFI ABCA Batch 96.
~0~0~0~0~0~0~0~
Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.
-033-
Consumers have the right to choose a network. Wag sanang solohin ng mga higanteng network providers na to and serbisyo, katulad na lang ang pagbebenta nila ng mga cellphone units na naka-lock na kung saan tanging SIM na gawa nila ang pwede mong gamitin. Kung tutuusin binili nila siguro ito sa mga cellphone manufacturers na naka-open ang linya?
ReplyDeletepanu po ba ipa openline ang Myphone S21 na unit? wla kac d2 samin ang mka openline eh....nka lock lang kac sa TM ang Phone na ito...tga bacolod po ako...meron po bang parran, Mr. Tech?
ReplyDeleteTanung lng po magpo ang salamin ng celphone kc nbsag po kc ang cp ko my phone po sya tnx
ReplyDeleteTanung ko lang po kasi yung cp ko di na nagtotouch sa pinakapindutan yun sa ibaba panu po ba maayos yun may paraan po ba na magawa ko yun ng sarili kasi may napapanuod ako sa mga YouTube na tricks
ReplyDeleteSaan konin Ang cude Ng selpon ko
ReplyDelete