August 21, 2005

TROUBLESHOOTING VERSUS REPAIR

Troubleshooting VS Repair Ni Relly Carpio

"Good PM! Nagrerepair po kayo ng cell? Please textback."

Hinde. Kaya kong magtroubleshoot ng cell at tumingin kung ano problema hanggang maayos ko siya through simple elimination processes at kung anik-anik na pahampas-hampas here and there, pero hindi po ako nagre-repair.

Bakit? Kasi po hindi ako authorized cellphone technician. Meron po na mga cellphone technician, at merong mga authorized cellphone technician. Ang pinagkaiba nila ay ito: Ang authorized technician kapag ginalaw ang inyong bagong cellphone at kanyang naayos, tuloy ang inyong warranty. Kapag hindi niya naayos o kanyang nasira ang inyong cell habang inaayos niya ito, papabalik niya sa assembly plant ang cell at kayo ay bibigyan ng bagong unit. Kapag matatagalan ang repair service ng cellphone nyo ay papahiramin kayo ng service unit para may cellphone pa rin kayo.

Ang unauthorized na cellphone technician, buksan lang niya ang cellphone ninyo, tanggal na ang warranty. Oo! Ganoon kalupit ang katotohanan.

At sa tingin ninyo, kapag hindi niya naayos ang inyong cellphone o nasira niya, ano sasabihin niya? "Ay mam, hindi ko maayos eh, eto na lang ang bagong cell..."

BWAHAHAHAHAHA! Hinde! ang sasabihin niya..."Sorry boss...(sabay kamot sa ulo)...defective ata iyung unit niyo, blah! blah! blah!, hindi ko maayos eh...gusto niyo dalhin nyo na lang po sa (network provider) at sa kanila ipaayos...sorry po. Ah...800 po iyung pa-repair nyo."

Sira na cell nyo, bayad pa kayo. At huwag ka nang umangal bok at baka makuyog ka pa ng mga iyon dahil magkaka-kilala iyang mga damuho na iyan. Sorry ka na lang.

Pero, hinde...hindi ako nagre-repair ng cellphone. Ang tawag po sa aking ginagawa ay troubleshooting: Ito po ay okay lang na gawin ng ninoman. Ito ay saklaw o within the warranty. Ito po ay paghanap ng solusyon sa mga maliliit na problema na hindi na kailangan ng repair technician. Kahit sino po ay pwedeng gawin ito. Kaya kapag nakikita nyo po na sinabi ko na "dalhin sa authorized repair center" ibig sabihin eh hindi na pwede ang troubleshooting, at anumang ayos na kailangan ay makakasira na ng warranty.

Tsaka please lang din po mga giliw kong readers. Isang maliit na English lesson: Bastos ang sabihin mo na: "Please textback." Kahit sabihin mong may please iyan, parang sinasabi mo na rin na "Paki bilisan mo ang pagsagot." Diba medyo maantot? Mas maganda ang: "Thank you for the reply." Hane? Thank you for your questions.

~0~0~0~0~0~0~0~

Tanong: Ang cell ko Nokia 3350. Tanong ko po magkano bayad para activate ng GPRS and MMS. At makatanggap na po ba ako ng cam picture TY. Tumagal pa kayo! Ericson ng Bacoor

Sagot: Libre po ang pa-activate ng GPRS at MMS. Dalhin lamang po sa customer service center o sa authorized repair center and inyong cell at ipa-setup ang cell. Tapos po niyan eh, basta kakasya pa sa cell ninyo ay makakatanggap kayo ng cam pictures.

Tanong: Bakit po ang cellphone lumalabo ang lens minsan pag nagte-text?

Sagot: Baka po nabagsak ang inyong cell at lumuwag na ang LCD o kaya ay nasira ito. Patingnan ang cellphone sa authorized repair center.

Tanong: Bakit pag tumatawag ako sa anak ko may echo ang boses, o boses ko rin naririnig ko na may echo?

Sagot: Baka po naka-handsfree unit ang inyong anak. Ito po iyung earphones at micropono na kinakabit sa cell. May mga model po ng cellphone na kapag ginamitan ng generic na handsfree ay hindi nag-aactivate ang auto shut off ng unit microphone, kaya po parang dalawa ang naririnig ninyo, at kapag malakas ang earpiece ay maririnig ninyo sarili ninyo.

Tanong: Bakit po di ma-open ang wallpaper na dinownload ko? Ang unit ko ay T630 Ericsson.

Sagot: Hindi po lahat ng content ay compatible sa lahat ng cellphone. Madami sa mga content providers (iyung mga gumagawa ng ringtones, wallpapers, themes, etc.) ay nakafocus lamang sa isa o ilang brand. Pumili po ng mabuti bago magdownload, o kumuha na lang mula sa mga kapareho ng unit model.

Tanong: Bakit laging insert SIM card ang nagrerehistro sa screen ng cellphone ko sa tuwing magsend ako ng text message, kailangan i-off cellphone para maayos muli. Why?

Sagot: Baka po maluwag na holder ng inyong SIM, o kaya ay sira na ang inyong SIM. Humiram ng ibang SIM at testingin sa inyong cellphone, kapag maayos, ang SIM ang may problema, kung hindi, ay ang inyong cell. Kung ang cell ay ipaayos agad sa authorized repair center, nakakasira po ng SIM ang paulit-ulit na reload.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

-022-

5 comments:

  1. Bakit ang N73 cellphone ko ayaw mag charge?

    ano ang sira nito? at anong dahilan bakit nasira ito?

    at ano ang meaning ng "prepare and interpret
    technical drawing?

    ReplyDelete
  2. bket ka naman ccngil kng hindi mo naman naayos??parang kang isang malaking ungas.. at kng my CP - (cellular Phone) na pnpaayos sau...at kng wala namang warranty...bket hinde db>??mgicp ka mna bago ka mgpost..alam mo my RIGHTS dn ang mga technician...

    ReplyDelete
  3. at bket sa please textback? wala namang masama don ahhh...magicp ka nga... kng un ay merong A.S.A.P....yan maiintndhan kita...baka ASAP lang di mo pa alam....

    ReplyDelete
  4. at sa Q & A mo po SIR????marami kang mali....hindi lang sa troubleshooting ngagawa ang CP...para sa kaalaman mo..nyo po...ang 3350 khit kelan AY HINDI NGKARON NG GPRS AT MMS...baka naman 3530...mniniwala pako...salamat..sa mganda at mali mong mga impormasyon...kindly delete this blog n lang po..para sa ikatatahimik ng inyong konsensyang pamali mali...

    ReplyDelete
  5. naniniwala pa rin ako sa kasabihan na experience is the best teacher.alam mo po bossing hindi trouble shooting twag jan sa ginagawa mo, kasi ang trouble shooting ay may kasamang analyzation din yan, lahat nang anggulo titingan mo lalung lalo na sa cp para malaman mo kung ang sira ba ay software or hardware...may mga basic na sira un ung mga minor na sira na pweden ngang gawin kahit sinong tao na mahilig kumalikot or magdiscover hanggat alam niya ang mga functions and connections nito, parang ikaw din nung first time mo sa s** diba?inaalam mo kung paano xempre ang safe at di safe s**. ganun din ang pag ayos ng cp.,may kakilala din akong ganyan computer tech.im not against him kaya lang admited niya na hanggang basic lang talaga siya.anyway too much for that, wag mong lahatin ang technician ha kasi di lahat ng technician ay habol lang magkapera, may iba pa rin na technician na achievement pa rin nila makapag ayos ng mabuti ng cellphone na tapat at hindi nang aagrabyado ng customer,lalulng lalo na kung ang cp ay under warranty pa, walang matinong tech ang gagalw niyan unless may basbas ang may ari diba? so ok naman itong blog mo,kaso wag naman yung gagamitin mo ito para ijustify ung mga kunting alam mo, mas maigi siguri na gamitin mo ito para sa mga cpm user at sa aming mga tech invite mo kami dito at makatulong din sa lahat ok po ba..shalom!

    filer

    ReplyDelete