August 25, 2005

RESPECT YOUR CELL

GIVE A LITTLE RESPECT Ni Relly Carpio

Kahit anong bagay kapag hindi binigyan ng respeto makatapos bilhin makaka-asa ka na hindi ito magtatagal. May mga readers na nagsasabi na sira ito o sira iyon. At sa aking palagay madami sa mga problema na ito sa cellphone ay baka naiwasan kung naalagaan ng kaunti pa ang mga cellphone.

Madaming nagsasabi na alagang-alaga naman nila cellphone nila and that talagang nasira lamang siya. Ok fine! Di ko naman sinabi na hindi ninyo inalagaan ang inyong mga cellphone eh. All I'm saying is kung naalagaan pa ng kaunti, maybe, hindi na nasira ang cellphone.

Ang manual ng isang cellphone o ng kahit na anong gamit na elektrikal ang siyang magbibigay ng tips sa inyo kung paano patatagalin ang buhay ng inyong cellphone. may kanya-kanyang tips ang mga manufacturers, pero may mga pare-pareho sa mga iot na madali namang tandaan at isagawa. Mga general guidelines for cellphone care.

1) Iwasang mabagsak ang cellphone. Kahit na anong gadyet, kahit na nga bumbilya eh, kapag na-alog o nabagsak ay nasisira. Diba ang sabi nga huwag aalugin ang TV at ang mga ilaw kasi baka mapundi? Medyo kahit katatawa ay may kaunting katotohanan iyan. Sensitibo ang mga gadyet, pero kahit ganun ay malayo na naabot ng shock resistance technology ng mga cellphone. Isipin nyo na lang kung gaano kagaling ang pagkakagawa ng cellphone pwede ninyong ibulsa-bulsa, i-itsa-itsa, at okay lang. Huwag naman maging pasaway at ipang-tumbang preso ang cellphone.

2) Iwasang mabasa ang phone. Dekuryente po iyan, at kahit mukhang bareta ng Mr. Clean ang inyong cellphone ay hindi po sabon iyan. Kapag nabasa ang circuit board ng cellphone, goodbye na iyan! Huwag ding isahog sa sinigang tulad ng ginawa ng aking isang kaibigan! Hindi masarap ang sitaw, gabi, baboy at cellphone. Hyuk! Hyuk! Hyuk!

3) Iwasang madumihan ang cellphone. Ang alikabok ay maaring pagsimulan ng pag-overheat ng mga circuit board o pag-rust ng mga connections na makakasira dito. Kung sa tingin ninyo na hindi nakakasira ang alikabok, bakit mo pa nililinis ang electric fan? Diba?

4) Iwasang gumamit ng non-original parts and accessories. Oo sige, tama ka na, wala nga namang housing na original na Hello Kitty ang design. At ang original na battery ay over 1000 ang presyo. Pero may kwento ako sa inyo, may isang young actress noon na nasunugan ng Mitsubishi Pajero dahil ang kanyang cellphone ay kanyang naiwang nakasaksak sa loob ng kotse habang ito ay nakaparada. Ang nangyari? Nagliyab ang upholstery ng kotse nang mag-overheat ang battery at nalusaw ang cellphone. Ang comment ni young actress: "Hindi ko naman alam na pwede palang mangyari iyon."

Hindi sinagot ng kumpanya ng cellphone ang pagkakasira ng kotse niya dahil hindi original ang kanyang battery, kung original daw iyon ay iyung control chip nung battery ay mag-aactivate at i-shu-shut off ang charging kung sobrang uminit ang battery. Nakakatakyut!!!

Ito pa, ang original housing ng mga cellphone ay gawa sa materials na mas resistant to scratching ang breakage. Also, ang resilience o tamang kalambutan ng plastic na gamit sa mga housing ay katulong ng ibang mga shock resistance features ng mga cellphones. Ibig sabihin kung papalitan mo ang housing ng hindi original, maaring lumaki ang chance na masira ang inyong cellphone kapag nabagsak dahil iba ang specifications ng plastic na ginamit ng manufacturer ng non-original accessory housing. Ok?

-0-0-0-0-0-0-0-

Tanong: Mr. Carpio naka SUN Cellular SIM po ako. Pag natawag po ako ay laging "error in connection" ang nalabas. Cellphone ko po ba o yung mismong network ang may problema? - Brian, Alabang

Sagot: Brian, hindi ka nag-iisa. Nahihirapan akong sagutin ito dahil madali kasing sabihin ng kahit na sinong network provider na ang problem with their network ay dahil sa atmospheric conditions (dahil sa ulan, sunburst, cosmic wave, may dumaan na kalapati sa tapat ng cellsite) kung kaya mahina ang signal o wala. Alam nating lahat na SUN cellular ang pinakabagong player sa mga network providers. Intindihin na lang natin na maaring may mga panaka-nakang problema, bago nga naman diba? Pero ang sabi naman ng SUN ay ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para gumanda service nila. Commitment to our customers nga diba?

-0-0-0-0-0-0-0-

May iiwan lang ako na mga tanong na inyong pag-isipan aking mga giliw na mambabasa: 1) Dapat bang maghanap ng magandang serbisyo mula sa isang kumpanya kung ang product nila ay unlimited o libre? 2) May karapatan bang umangal ang mga customer kung alam nilang ang produkto ay unlimited o libre? 3) Dapat bang kutyain ang isang kumpanya for "bad service" kung ang kanilang produkto ay unlimited o libre? 4) Dapat ka bang magtitiis sa libre para makamura, kung ang iyong sinasayang ay ang iyong oras na dangang mas mahalaga?

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

No comments:

Post a Comment