ANONG GUSTO MONG TOPIC? Ni Relly Carpio
Tinext ako ng utol ko na si Auggie. Sabi niya, nakakasawa na daw marinig ang tungkol sa warranty at dapat daw mag feature naman daw ako ng mga mas interesting topics. Ang iniisip ko, ano nga ba ang mas interesting topics.
Sa aking paniniwala, the three most interesting topics are: sex, drugs, and rock and roll. Ang problema eh ang pwede ko lang pag-usapan dito ay mga T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers, and Hardware). Alam niyo aking mga kaibigan, lumalabas sa mga text-in-questions, ang gustong malaman ng tao ay mostly, tungkol sa cellphones.
Hindi ko naman ma blame ang mga readers. Maski ako minsan ay madaming tanong tungkol sa cellphones. Kaya nga naisipan ko na simulan ang column na ito, para matulungan iyung mga kababayan ko na walang access sa information tungkol sa cellphones at kung ano-ano pang mga technology.
Iba na nga kasi ang panahon ngayon, we as a race know more now and have discovered more in the past 100 years than at any time of our existence. Kung kukunin mo ang lahat ng natutunan ng sangkatauhan nitong nakaraang 100 taon lamang ay di iyon kayang mapantayan ng halos 99,900 years na tayo ay naandito sa mundo.
Paano mo nga naman masasabayan lahat iyang teknolohiya na iyan kung pinoproblema mo pa ang trabaho, pera, pamilya, mga kaibigan at gobyerno! Madami nga sa mga nagtatanong ay aminado na wala na silang panahon na magbasa ng manual, pagkabili ng cellphone o gadget eh gamit na agad, bahala na si Batman! Parang kaibigan kong si Chinx, ayun, nakakatatlong linggo na iyung dalawa niyang bagong cellphone ng kagagamit ay ni hindi pa rin niya nababasa ang mga manual, at kada tuturuan ko pag meron siyang di maintindihan na napindot niya, "Ayusin mo na lang! Nagmamadali ako, tsaka mo na ako turuan!"
Naisip ko tuloy, ganito rin kaya ang pagiisip ng madami sa mga aking mambabasa? Ang naisip kong sagot sa sarili ay: "Eh bobo ka pala eh! Kaya ka nga gumawa ng column na ito para mabilis na matulungan ang iyong mga kababayan diba? Sanaaaa!"
Dangang ganoon na nga ang nangyayari, naisip ko na dagdagan ang serbisyo ng Walastech sa inyo. Kung mayroon kayong topic na gusto ninyong idiskurso ko dito, text nyo lang ako o i-email, at bibigyan natin ng oras o espasyo.
-0-0-0-0-0-0-0-
Tanong: Good PM po. Itatanong ko lang po itong Nokia 5110 kung bakit patay sinde ito kung magtetext. Minsan patay talaga. Thanks po sa sagot.
Sagot: Ito ay di kalimitan na problema ng Nokia 5110. Dahil sa construction niya na ang housing ay maluwag para may shock resistance, kapag naiipit ang LCD area nito sa bulsa o sa loob ng bag ay lumuluwag ang connection nito sa main module ng cellophone. At dahil ang mga LCD ay hindi designed na paputol-putol ang kuryente, nasisira ito katagalan. Patingnan ang inyong phone sa mapapagkatiwalaang repair center at ipaayos o papalitan ang LCD.
Tanong:Good AM po, magtatanong lang po me, kasi nabasa me # mo sa jaryo. Puedi po malaman kung ano keyword ng ringtone ng helo garci saka untitled. Pakitxt nu nlang po d2. Wala me kasi mahingan nyan e. Salamat po. - Lubel
Sagot: Ako din walang "hello garci" na ringtone. Wala yatang legal content provider na mag-o-offer ng "hello garci." Iyung Untitled pwede pa. Tingnan nyo lang sa mga diyaryo o kaya magsurf thru GPRS-WAP para mahanap. Kung talagang gusto mo ng "hello garci" meron niyan sa mga gray market cellphone stalls sa mga mall.
Tanong: Magagawan pa ba ng paraan na magkaroon ng signal ang CP ko kasi bumagsak siya.
Sagot: Nakow! Hala lalabasan iyan ng kalabaw! Joke! Joke! Pwede pa iyan, baka naman lumuwag lang ang kabit nung antenna. Sa bandang taas sa likod iyan ng cellphone, at kung iyon ang tumama, eh kaya lang nasira iyan. Patingnan at ipaayos sa trusted cellphone repairman. Kung sinuwerte kayo, kaunting soldering lang oks na iyan, kung minamalas-malas, bagong antenna module ang kailangan ninyong bilhin.
-0-0-0-0-0-0-0-
Belated Happy Birthday kay Elizabeth Ihada ng Ormoc, Leyte at kay Zab Cabato ng Las PiƱas, Manila mula sa Team Walastech!
~0~0~0~0~0~0~0~
Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.
-23-
No comments:
Post a Comment