February 02, 2009

ACER OTIS TOUR

Bago nagsimula ang mga laban sa LAN Party na inihanda ng ACER para sa mga miyembro ng ITJAP na aking kinalahukan ay iniikot kami sa Otis Facility ng ACER Philippines na siyang nagsisilbi bilang warehouse at main service facility nila. Ipinakita sa amin ang kanilang mga laboratoryo, at ang kanilang front desk kung saan ang mga tao na may dinulong na mga unit para sa repair at maintenance ay pumupunta.

Nakakatuwang sabihin na kung ikukumpara sa mga nakita ko na service centers ay kakaunti lang ang mga units na nakakalat para sa servicing. Maraming panuluklukan ay walang mga laman. Ito ay ebidensiya na nasisipat na ang ACER ay talagang binibigar ang kanilang pangako ng matitibay na computers pero ang kanilang service center ay mabilis at masigasig, na kapag may dinala ka na ipapa-repair ay mabilis ang tinatawag na turn around time o ang oras na wala ang iyong unit sa iyo dahil sa repair at maintenance. Para sa mga business ay malaking bagay ang turn around time.

Kay sarap para sa isang techie na tulad ko ang magumikot sa lugar na gayon. Lahat ng mga malulufet na gadgets na ginagamit sa pag repair ng mga PC at mga lamesa na talagang ginawa para sa pagsasaayos ng mga computer lamang. Para siyang de-kalidad na ospital para sa mga computer! Sana ako meron din na ganon dito sa Walastech Lab. Pero nakakahiya mang aminin ay isang mabigat na lamesa lang at simpleng kagamitan na pang ayos ang meron ako.

Isang napansin ko sa center ay ang mga bagong unit ng Gateway Computers na siyang nakadisplay sa isa sa mga shelves sa front desk. Nalaman ko na ang ACER ay binili kamakailan ang Gateway at pagdating ng Pebrero ay kanilang ibebenta na ito dito sa Pinas. Ang Gateway ay isa sa mga high-end, high-power na PCs na sa States laman available noon. Ang isa sa kanilang mga naipagmalaki noon ay siya ang gamit na computer ni Bill Gates, ang dating nagmamayari ng Microsoft. Hindi ko sigurado kung totoo ito o kwentong barbero lang ng kabarkada ko. Pwes malalaman ko din yan balang araw pag nakapagreview na ako ng isang unit.

Pero ito ang alam ko sa ngayon, isa sa aking mga matatalik na kaibigan, si Jasper Briones, Presidente ng ATACS ay kumuha ng Gateway noon para sa kanya. Isa iyon sa mga sinaunang unit na dumating dito sa pinas. Naglolokohan nga kani noon dahil ang Gateway ay hindi basta basta pumapayag na kahit sino man ay bumili ng kanilang unit at dalhin ito kung saan-saan. Binabantayang mabuti ng Gateway kung saang mga bansa dinadala ang kanilang mga unit.

Eniwey, ang magandang balita ay salamat sa ACER ay ang naandito na sa Pinas. May mga pinakita din sa amin na mga bagong computer ang ACER doon sa Otis Facility na hindi pa naipapakita sa publiko. Mga unit na ilalabas nila para sa 2009. Hindi pa namin pwede pakita ang mga pictures o ang mga specs nito kasi secret pa sila. Pero ito and masasabi ko, base sa mga nakita ko ay nakapuwesto ang ACER na maging isa sa mga dominante ngayong taon. At nakaka-excite ang paglabas ng mga bagong unit na ito!

No comments:

Post a Comment