July 27, 2005

REFURBISHED PHONES

Reconditioned Cell Phones Ni Relly Carpio

Alam nyo ba na madalas ang reconditioned at refurbished phones ay galing sa magnanakaw o kaya ay wala nang warranty at hindi na papansinin ng mga cellphone manufacturers ng walang bayad para sa repair at service? Na baka laking sakit ng ulo lang ang inyong makukuha sa pagbili ng cellphone na ganyan?

Hindi nirerecomenda ng WALASTECH! na mamili kayo ng reconditioned o refurbished na cellphone. Hindi sinusuportahan ng cellphone manufacturers ang warranty at free repair ng mga iyan.

Sige para ma-testing nyo po, pumunta kayo sa bentahan ng mga cellphone manufacturers, iyung mga stall nila mismo sa mall, tanong mo kung may reconditioned o refurbished units sila na ibinebenta. Wala. Kasi, bakit ka nga naman magbebenta ng defective at luma? Eh kung pumalya iyan? Eh di damay na naman ang pangalan ng iyung kumpanya.

Nagtanong si Jay ng Pasig: Hindi po ba magtatagal ang reconditioned na cellphone? Paano po ba malalaman kung reconditioned ang cell?

Natatawa naman ako sa mga nagbebenta ng mga reconditioned na cellphone bna ito. Hindi ba naiisip ng mga taong ito ang ibig sabihin ng reconditioned? Inayos mula sa pagkasira. At refurbished? Dating reject pero inayos muli. Ang refurbished pareho ng restored. May sira, pero ibinalik sa dati, parang bago.

Ang tanong: Sino ang nagrestore? Sino ang nagreconditon? Sino ang nagrefurbish? Iyung factory ba? Sagot: Hindi. Sila-sila rin. Mas maganda pang sabihin na lamang nila na second-hand iyung mga cellphone. At least iyan totoo, at walang sisihan pag nagkaproblema. Diba?

Ang mga "reconditioned" na cellphone ay matatagpuan lamang sa gray market o sa black market dahil hindi nga nagbebenta ang mga manufacturers ng ganitong mga cell. Maski iyung mga nilalagay nila sa Sale ay mga brand new units.

Kaya kung ang cellphone ay nasa mga maliliit na stalls sa mga tagong lugar ng mall at sa mga cellphone repair shops na bumibili at nagbebenta ng second hand cellphones, malaki tsansa, ito ay mga refurbished o reconditioned na cellphone. Lalo na kung ito ay hindi nalakalagay sa loob ng isang matinong sealed box, at walang kasamang manual, at ang accessories ay hindi nakasealed plastic bags.

Pero dahil distributors at resellers pa rin itong mga ito, kahit na stall sila sa pinakaluklok na lugar, maari pa rin na brand new ang inyong mabibili basta ito ay nasa original sealed box. Kung gusto mong makasigurado na brand new ang inyong binibili, bumili ka direkta mula sa mga manufacturers o sa network providers sa mall. Di ka nga lang makakatawad.

Hindi naman illegal ang gray market, sa lahat ng healthy economies merong ganyan. Kapag unhealthy ang isang economy, diyan naglilipana ang black market: iyung mga kagamitan na talagang smuggled o galing sa magnanakaw.

Sa gray market kasi, ang mga kagamitan na second hand at halos hindi na nakukuhanan ng gobyerno ng sales taxes ang siyang binibenta, di tulad sa legal market. Nakakakuha na lamang ang gobyerno ng kaunti kapag ang sale value ay malaki at kailangan ng rehistro ng gamit, tulad ng bahay o ng kotse. Kaya ito nabansagan na gray market. Alam ng gobyerno, pero dahil di naman gaanong kasamaan, pinapabayaan.

At kahit nga may gray market ay hindi naman aangal ang mga cellphone manufacturers, dahil iyung mga umiikot na iyan ay napagkakitaan na nila, wala na silang pakiaalam diyan, at kapag may gumamit pa niyan at nasira ay kikita pa sila pag may nagparepair. Madalas ay inaabot ng mula isang araw hanggang dalawang linggo ang pagpapaayos ng cellphone. Pero hindi mo makukuha ang libreng repair kapag hindi mo inasikaso ang warranty ng cellphone mo.

Q: May tatanong lang po ako, ang cell ko ay N3530, kahit bago ang battery, bigla nalang po namamatay ung power, isang beses lang araw araw, may deprencia na kaya ang power switch?

Mas malaki tsansa eh may sira ang battery na nabili mo, o kaya ay madumi ang connectors ng battery. Pag minalasmalas ka eh may short circuit sa loob ng cell. Dalhin sa mapapagkatiwalaan at authorized repair center.

Q: Gud PM po. Pwede po ba ninyong ibigay sa akin ang password para makaavail ako ng GPRS? Ilan ho ba ang dapat iload sa celfon ko 2 avail d services? May GPRS ba itong cell ko?

Medyo natawa ako dito kasi N3310 ang cell niya, pero convinced siya na may GPRS siya. Chaka! Pero sa mga may problemang ganito, pumunta sa customer service center ng inyong network provider at magpaset-up ng cellphone at mag try mag download habang andoon. Siguro sa 50 pesos na load matetesting nyo nang mag GPRS, mag GPRS download, at mag MMS.

Q: May mga stall po ba sa mall na pwede magdownload ng mga java games? Bakit po hindi ako makapag download ng java games naka set naman po ang unit ng cell ko.

Mas maganda kung pumunta ka sa customer service center ng iyong network provider at magpatulong ka sa pagdownload mula sa kanila. Baka ano pa mangyari kapag sa stall ka bumili ng games. Mapaano pa ang iyung cellphone.

~0~0~0~0~0~0~0~

Padala ang mga katanungan ninyo tungkol sa T.E.C.H. (Telephones, Electronics, Computers at Hardware) sa walastech@gmail.com at sasagutin namin sa mga susunod na column. Basahin sa http://walastech.blogspot.com ang mga dating issue.

No comments:

Post a Comment