July 25, 2005

CALL CENTER MADNESS

CALL CENTER MADNESS! Ni Relly Carpio

Hay nako! Andaming nag text! Ang saya! Madami sa mga nagtanong ay kung saan ang Convergys at ang People Support. Bueno, heto ang lahat ng opisina nila. Pero, nais ko lamang linawin. Example ko lang nung huli ko na column ang dalawang ito kasi sila ang dalawa sa mga pinakamalalaki na call centers dito sa pinas. Madami pa sila diyan, at ang importante ay tingnan ninyo sa classifieds kapag sila ay naghanap ng tao, pero sigurado naman ako na maari ninyong padalan ang mga ito ng application para kung sakali ay makaauna kayo.

Hindi sinisiguro ng Walastech! ang inyong pagkakapasok dito sa mga ito o kung sila ay hiring ngayon, alam nyo naman ang lagay ng ating bansa ngayon diba? Diba?

Kinuha mula sa www.convergys.com Cebu City R. Arcenas Street Arcenas Estates Banawa Hills Cebu City 6000 PHILIPPINES

Manila 7F, Tower 2 The Enterprise Center 6766 Ayala Avenue Makati City 1200 PHILIPPINES Phone: 857 7788

Manila PBCom Tower 6795 Ayala Avenue corner V.A. Rufino Street Makati City 1200 PHILIPPINES

Manila 33rd Floor, Yuchengco Tower RCBC Plaza, 6819 Ayala Avenue Makati City 1200 PHILIPPINES

Manila Block 44, North Bridgeway Northgate Cyberzone Fillinvest Corporate City Alabang, Muntinlupa City 1770 PHILIPPINES

Manila 24th Floor, Robinsons-Equitable Tower ADB Avenue corner Poveda Street Ortigas Center Pasig City 1600 PHILIPPINES Phone: 857 7600

Manila #46 Don Mariano Marcos Avenue Batasan Hills Diliman, Quezon City 1101 PHILIPPINES

Kinuha mula sa www.peoplesupport.com PeopleSupport Center Ayala Avenue corner Senator Gil Puyat Avenue Makati City, Philippines Phone: 885-8000 Email Jobs and Recruiting: manilajobs@peoplesupport.com Fax: 885-8097

~0~0~0~0~0~0~0~

Alam nyo ba na sa pamamagitan ng internet ay maari na kayong makipag-usap sa kahit kanino man sa buong mundo, basta siya ay nakainternet din? Sa napakaliit na halaga?

Ito ang teknolohiya na ginagamit ng mga cellcenter dito sa Pilipinas. Ang tinatawag na Voice Over Internet Protocol o Voice Over IP o VOIP. Ang ginagawa ng VOIP ay imbis na pinadadaan ang mga tawag sa telepono sa mga phone companies, sa kanilang mga cable at mga ground and satellite stations ay s internet na lamang nila pinadadaan. At dahil libre ang internet, libre din ang mga tawag na ginagaw nila. Dito kumikita ang mga call center, humihingi sila ng bayad mula sa mga tumatawag at gumagamit ng kanilang mga kagamitan.

At para mas malaki ang kitain nila, ay sa mga mahihirap na bansa na maliit lang ang bayad sa mga trabahador, tulad ng India, China at Philippines sila nagtatayo ng call centers. Kasi sa pamamagitan ng VOIP kahit saan sa mundo basta may internet ay pwede kang magtayo.

O eh bakit dito, samatalang mas mura sa China ang labor diba? Maski tayo ay doon nagapapagawa. Kasi po, ang mga Pilipino ay mga natural na "spokening dollar you know?! Yes yes yo."

Hindi tulad ng mga taga India o China, tayo ay nakapagi-ingles ng diretso at naiintindihan ng mga taga ibang bansa. Madami sa mga call center ay tinatayo para serbisyuhan ang mga Amerikano at ang mga Briton. Kasi mahilig silang tumawag sa telepono pag mayroon silang hindi alam. Parang iyung dating libreng 114 directory assistance ng PLDT na ngayon ay may bayad na din, ganoon ang madaming call center na naandito sa Pilipinas. Mayroon din na tinatawag na mga hotline o customer support.

Ganoon kasi sa Amerika, kapag may problema ang kanilang mga nabiling mga gadyet o computer o anopaman ay tumatawag agad sila sa telepono sa customer support. Hindi tulad natin na nagmamarunong.

Eniwey, dati ay tinatago pa natin mula sa mga mananawag na dito sila sa Pilipinas natatawag, pero ngayon na batikan na sa mundo ang Philippines as an ICT Hub, eh pwede nang ipaalam na: "Yes mam, you have called the beautiful sandy beaches of the Philippines! How may I help you? Chuvalu chenes chalaling ekek?"

O iyung mga marunong ng mag-internet diyan, imbis na tumawa kayo eh turuan nyo kaya ang isang kaibigan na hindi pa marunong mag-internet kung paano. Kasi. kahit na umaabot na sa tinatayang 40 milyon ang gumagamit ng cellphone dito sa Pilipinas ay ang bilang lang ng mga marunong gumamit ng computer at ng internet ay nasa 8 milyon lang?

Nakakalungkot isipin na ang Pilipinas ay tinataguriang isa sa mga ICT Hub ng mundo pero kakaunti pa rin sa atin ang marunong ng internet. Ang ibig sabihin ng ICT ay Information Communications Technology. Ito ang umaako sa lahat ng teknolohiya, gadyet, o paraan na siyang naglilipat ng anumang dunong o impormasyon tao sa tao o kumpanya sa kumpanya. Kasali dito ang mga computer, mga cellphone, mga telepono, at ang internet. Masasabi din na kasama dito ang lahat ng media tulad ng radyo, TV, at print.

Pero, kahit na 8 milyon lang ang siyang tinatawag na computer literate, sa laki ng numero na iyan, kumpara sa dami ng mga Pilipino, masasabi na rin na mataas ang antas ng dunong dito sa Pilipinas pagdating sa ICT. Kaya nga maliban sa India, ang Pilipinas ang siyang pangunahing destinasyon ng mga call center companies sa Asia. Siyempre andiyan din ang China, pero madami sa mga trainer sa kanila ay galing din ng Pinas.

Madaming mga eksperto ang nagsasabi at nagsitayo na ng mga call center dito sa Pilipinas ang nagsabi na na malaking parte ng kinabukasan ng ICT industry dito sa atin ay ang call center. Sa madaming walang mga trabaho diyan, sana'y inyong isipin kung maari ninyong pasukin ang industriya na ito, hangga't maaga ng di maunahan.

No comments:

Post a Comment