March 17, 2009

EPSON NAGBIGAY PARANGAL SA PIAP AWARDEES

Ang Pinoy nga naman, bigyan mo ng katumbas na teknolohiya tulad ng sa ibang bansa at makakaasa ka na aangat sila. Eto and pruweba:

Nagbigay ng parangal ang EPSON Philippines sa tatlong kumpanya na nanalo ng mga award para sa kanilang mga kahanga-hangang mga obra sa katatapos na Printing Industries Association of the Philippines Print Excellence Awards.

Ang binigyan ng parangal ay ang mga sumusunod: ang Velprint Corporation na nanalo sa apat na kategorya ang Books Category (colored), Books Category (Black & White), Brochures Category, at Magazines Category; ang Printwell, Inc. para sa Calendar Category at Folding Cartons; at ang Cebuanong Basic Graphics Inc. para sa Poster Category.

Ang tatlong kumpanya na ito ay lahat gumagamit ng EPSON Stylus Pro large format printers at ng EFI Colorproof XF. Ito ay mga printers na pang malakihang at madamihang trabaho na gawa ng EPSON. Sila ay natutuwa na dahil sa kanilang teknolohiya ay nakamit ng mga kumpanya na ito ang mga parangal na kanilang nakuha.

Tinanggap ni Robert Yam ng Printwell, Enienne Uy ng Velprint, at ni Edmun Tiu ng Basic Graphics ang parangal ng EPSON mula kanilang President na si Hideto Nakamura at mula kay Senior General Manager and Division Head for Sales & Marketing Eduardo Bonoan. Naandoon para magbigay pugay si John Chua, ang President ng PIAP.

Kung gusto ninyong makita ang sample ng nanalong entry ay pumunta lamang sa sari-sari store at tingnan ang bagong kahon ng Happy Toothpaste, iyon ang ikinapanalo ng Printwell. Habang ang entry Velprint ay ang libro na bago ni Dolphy at ang cover ng issue ng Preview magazine kung saan andun si Ruffa, si Gretchen, si Claudine at si Juday. Ang entry ng Basic Graphics ay isang poster na galing pa sa bansang Griyego (Greece) ang order.

Ayon sa mga nanalo na aming nakapanayam makatapos ng awarding ceremony, kung dati ay humahabol lang ang Pinas sa printing technology at sa mga produktong pang printing industry, ngayon ay hindi lang tayo nakahabol pero ang Pilipinas ay isa na sa nangunguna sa mga teknolohiya ng printing sa mundo sa tulong na din ng mga kumpanya tulad ng EPSON na siyang nagpapasok ng ganitong mga teknolohiya mula sa Japan dito sa atin.

Pero sabi nga ni Tiu ng Basic Printing, ang pinakamalaking hamon para sa mga printing company dito sa Pilipinas ay iyong pagiging handa. Madalas sa hindi ay may ugali ang mga tao, hindi lang ang Pinoy, na kung kailan dumating ang pangangailangan ay tsaka naghahanda. "Dapat maghanda kapag hindi pa kailangang maghanda, iyong panahon na hindi pa dumadating ang customer," ayon kay Tiu "dapat pagkatok ng customer at nagtanong kung kaya mo bang gawin ang order ko, ang sagot ay: Oo, matagal ko na kaya yan."

At naandiyan din na kapag ang customer ay international, dapat ay mataas ang kalidad at bilis ng trabaho, sabi ni Uy ng Velprint, "Pare-pareho na kami ng gamit ng mga printers mula sa ibang bansa dahil sa EPSON, ang usapan na lang ay ang bilis ng trabaho at ang quality." Ani niya, "At diyan magaling ang Pinoy, kapag ang usapan ay pagalingan."

Lingid sa kaalaman ng marami ang mga trabaho na siyang ginagawa ng mga kumpanya na ito. Madalas din naman kasi ay madami sa atin ang walang bilib sa ating kakayahan porke "lokal" at hindi "imported" pero sa tulong ng mga kumpanya na nagdadala ng teknolohiya kung saan ito kinakailangan ng industriya, tulad ng ginagawa ng EPSON sa kanilang pagbebenta ng kanilang mga large format printers, halimbawa na ang EPSON Stylus Pro 7900/9900, ay nakakalaban ang maliliit ng sabayan. Salamat sa EPSON at mabuhay ang mga Awardees at ang PIAP.

No comments:

Post a Comment