January 10, 2011

BAGONG CELLPHONE MULA SA SONY ERICSSON

Las Vegas, USA – Nilantad ng Sony Ericsson ang kanilang pinakamodelong Android smartphone, ang Xperia Arc. Ang teleponong ito ay naglalaman ng pinakabagong teknolohiya mula sa Sony at sinasabi na magbibigay ng kakaibang multimedia experience sa pamamagitan ng pinakabagong Android platform na version 2.3 na siyang magpapatakbo ng Xperia Arc. Ito ang una sa mga susunod na henerasyon na Xperia smartphones na lalabas ngayong 2011.

Ang design ng Xperia Arc ay manipis, magaan na may kapal na 8.7 mm lamang. Mayroon itong 4.2 inch na multi-touch screen at gawa sa premium materials na may disenyo na parang arko. Ang Reality Display sa pamamagitan ng Mobile BRAVIA Engine ay nagdadala ng mala kristal na linaw na siyang lalong nagpapaganda at nagpapakinang ng mga imahe para sa mas magandang karanasan sa paggamit.

Meron siyang 8.1 Megapixel Camera na may HD video recording, at dahil sa award-winning na Exmor R mobile sensor na gawa ng Sony na may f/2.4 lens ay nakakakuha ng dekalidad at malinaw na mga picture at mga HD video kahit na makulimlim. Lahat ng mga picture at video ay maaring ipalabas sa HD TV sa pamamagitan ng built-in na HDMI-connector.

Magiging available ang Sony Ericsson Xperia Arc ngayong first quarter ng 2011 sa dalawang kulay, Midnight Blue at Misty Silver.

Antabayanan ang Sony Ericsson Product Blog para sa karagdagang impormasyon.

January 02, 2011

MANIGONG BAGONG TAON

Naway sa darating na taon ay lalo pa tayong lahat maging mas bihasa sa larangan ng Impormasyon Komunikasyon Teknolohiya at tungkol sa mga gadgets. Inuulit po namin ang aming sinumpaang tungkulin na kayo, aming mga lugod na mambabasa, ay dulutan mga balita na siyang mamaari ninyong magamit para sa ikabubuti ng inyong mga buhay at ikasusulong ng kalagayan ng inyong mga minamahal sa buhay. Muli Manigong Bagong Taon po sa lahat ng aming mga tagasubaybay.

Relly Carpio
Walastech